Bianca nagparetoke at nagpa-lipo nga ba?

March 14,2018
share this

Bianca nagparetoke at nagpa-lipo nga ba?

March 14,2018
share this


MARIING idinenay ng Kapuso Princess na si Bianca Umali na may niretoke sa kanyang mukha at katawan kaya nagkaroon na siya ng lakas ng loob ng mag-post ng bikini photo sa Instagram.

May mga bashers kasing nagsasabi na bigla raw tumangos ang ilong ng dalaga at nawala na ang kanyang baby fats. Pero depensa ni Bianca, “It’s all natural. Hindi ko alam kung paano nila nasasabi ‘yun, but I am confident and I am proud na it’s all natural.

“Everything I have, siguro yung sinasabi nilang magandang katawan ko, pinaghirapan ko yun, inaalagaan ko yun,” aniya pa.

Hindi rin totoo na nagpa-liposuction siya, produkto ng matinding workout at proper diet ang seksing katawan ngayon ng ka-loveteam i Miguel Tanfelix sa Kapuso primetime series na Kambal Karibal.

Nagsimulang karirin ni Bianca ang pagdyi-gym habang ginagawa nila ang telefantasyang Mulawin Vs. Ravena noong 2017. From there, naging bahagi na ito ng kanyang sistema para sa healthy lifestyle.

“And I also have a trainer. Aside from that, of course, discipline sa workout and sa food na ini-intake ko,” kuwento pa ni Bianca na naghahanda na para sa kanyang grand debut on March 17.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending