‘Killer chatmate’ hahantingin nina Ruru sa Sherlock Jr.

March 14,2018
share this

‘Killer chatmate’ hahantingin nina Ruru sa Sherlock Jr.

March 14,2018
share this


SAKTO ang topic na tinatalakay ngayon sa Kapuso primetime series na Sherlock Jr. na pinagbibidahan nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia.

Kontrobersyal ang nasabing tema kung saan ipinakikita ang pagiging mahilig ng millennials sa internet at pakikipag-chat sa kung sinu-sinong nakikilala nila sa pamamagitan ng social media.

Sa tumatakbong istorya ng Sherlock Jr., mabibiktima ng karakter ni Marc Abaya na nagpapanggap na Carl ang kapatid ni Jack (Ruru) na si Jenny (Kate Valdez).

Lingid kasi sa kaalaman ni Jack at ng kaibigan nitong pulis na si Pido (Andre Paras), si Carl ang hinahanap nilang wanted na tinaguriang “killer chat mate” na siyang dumudukot sa mga dalagang nakikipag-chat sa internet.

Mabilis kayang madiskubre nina Jack at Pido ang totoong identity ni Carl? Mailigtas pa kaya nina Jack at Siri, the wonder dog si Jenny? ‘Yan ang dapat n’yong abangan sa mga susunod na episode ng Sherlock Jr. sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending