Horoscope, March 13, 2018

By Madam Sophia March 13,2018
share this

Horoscope, March 13, 2018

By Madam Sophia March 13,2018
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Katulad ng ulan, bubuhos ang maraming suwerte! Pero hindi ka dapat matuwa, dahil tulad ng baha, mabilis ding huhupa ang magandang kapalaran. Matuto kang mag-tipid at mag-ipon. Sa pag-ibig, tuloy ang lihim na relasyon. Mapalad ang 4, 8, 19, 28, 34, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Yellow at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—May paglalakbay na darating, sunggaban agad, pagkakataon mo ng umunlad. Sa pag-ibig, tiisin ang pansamantalang paglayo sa pamilya, kaysa naman nandito ka lang pero patuloy kayong naghihirap. Mapalad ang 3, 12, 21, 27, 30 at 46. Mahiwaga mong mantra: Aum-Shadja-Om-Dhaivata.” Orange at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Iwasang makipagtalo, sapagkat sa sandaling nasuong ka sa isang diskusyon, masisira lang ang araw mo. Sa pag-ibig, panatiliin ang pagiging mahinahon, lagi mong pagpasensyahan at mahalim ang kasuyo mong sobrang bait. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 33, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Udatta-Savitra-Om.” White at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Humingi ng pabor sa mga nakakataas, makikita mo pagbibigyan ka nila. Sa pinansyal, habang tinutulungan ka ng iba, lalo kang uunlad at yayaman. Sa pag-ibig, bigyan ng pabor ang kasuyong Libra, gagantihan ka nya ng masarap na romansa. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 43 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Dominum-Miraculum-Om.” Blue at pink ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Dahil sa pagkakaroon ng mabuting pagkatao, lalo kang pagpapalain ng tadhana. Panatiliin ang pagiging mahinahon at mabait upang magpatuloy ang suwerte at magagandang kapalaran sa pag-ibig at maging sa materyal na bagay man. Mapalad ang 2, 11, 19, 27, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Trium-Agla-Om.” Yellow at green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Maiinis ka na naman, habang hindi umaayon sa gusto mo ang mga pangyayari. Ang hindi mo alam, higit sa inaasahan mo ang darating, kung saan, mas malaking suwerte at magagandang kapalaran ang bigla mong matatanggap. Mapalad ang 7, 18, 21, 23, 27 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Factum-Pulcrum-Aum.” Pink at yellow ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Panatiliin ang pagiging masaya, upang dumami ang pera. Habang sumasaya ka, ang suwerte at magandang kapalaran ay kusang magsisilapitan. Sa pag-ibig, kulang ka lang sa romansa, kaya ka tumatamlay. Mamaya yayain ang kasuyo sa isang pribado at tahimik na silid. Mapalad ang 4, 10, 19, 23, 28 at 34. Mahiwaga mong mantra: “Homine-Cumuntatus-Om.” Silver at red ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Hindi matatapos ang araw, may malaking halaga ng salapi na mahahawakan! Sa pag-ibig, tuloy ang masarap na pakikipag-relasyon sa kasuyong ma-pera! Mapalad ang 7, 11, 20, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Padma-Purana-Om.” Yellow at maroon ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)— Wag mabuhay sa panghihinayang, ituloy mo lang ng ituloy ang iyong mga binabalak, malapit na malapit ka ng yumaman. Sa pag-ibig, pagtiyagaang mahalin ang kasuyong walang kibo. Sa pinansyal matutong mag-ipon para hindi na uli mangungutang. Mapalad ang 5, 18, 23, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Darshana-Om-Jehana.” Green at yellow ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Kahit na may pagka-kuripot ka, nakapagtatakang dating pa rin sa ‘yo ng dating ang suwerte. Ganyan talaga ang pinagpapala ni Lord. Ipagpatuloy ang mga dati ng kabutihang iyong ginagawa, dahil marami pang pagpapala ang darating. Mapalad ang 7, 17, 26, 39, 40, at 49. Mahiwag mong mantra: “Aum-Dosya-Gayatri-Om.” Lilac at maroon ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Kapag tuluyan ng nagapi ang takot magsisimula ng umasenso at yumaman. Upang matupad ang iyong layunin, ituloy mo lang ang iyong pagsisikap at pagsisipag. Sa pag-ibig, muling mapapangiti ang kasuyong masungit sa sandaling nalaman niyang nakatanggap ka ng malaking halaga. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yohana-Govinda-Om.” Red at blue ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—A-trese ang numero o petsa ngayon. Kaya wag mo ng gawin ang isang bagay na matagal mo ng plinaplano sa halip mas mainam pang ipagpa-bukas mo ito. Sa pag-ibg, suwerte naman ang hatid ng “petsang trese” – may masarap na romansang magaganap. Mapalad ang 1, 4, 13, 22, 28, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Agla-Deva-Om.” Yellow at gold ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Wag mong ipamamalita na unti-unti ka ng umuunlad at patungo na sa pagyaman, dahil baka mausog o baka maudloty pa. Tama ang style mong tahimik lang! Kapag tahimik ka lang, mas mabilis mong makakamit ang lahat ng iyong layunin at pangarap na umunlad at yumaman. Sa pag-ibig, wag ipakita sa madla ang pagiging masuwerte at mapera ninyo ng iyong kasuyo upang hindi kayo kaiingitan. Mapalad ang 6, 18, 21, 24, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Garuda-Arjuna-Om.” Lilac at red ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending