Aktres pinalayas uli sa inuupahang bahay, di na nakakabayad

By Cristy Fermin March 13,2018
share this

Aktres pinalayas uli sa inuupahang bahay, di na nakakabayad

By Cristy Fermin March 13,2018
share this


NAKAKALUNGKOT namang isipin ang kinauwian ng career ng isang female personality. Sa tindi ng inabot ng kanyang kasikatan ay walang makapagsasabing ganito ang kanyang kauuwian.

Nalungkot ang aming source nang malaman nito na naghahanap na naman ng bagong malilipatang bahay ang female personality dahil sinabihan na siya ng owner ng kanyang tinitirhan pa ngayon na kailangan na niyang maghanap ng bagong malilipatan.

Kuwento ng aming source, “Ano na ba ang nangyayari sa buhay ng babaeng ‘yun? Palagi na lang siyang palipat-lipat ng tirahan, kasi nga, hindi siya nakapagbabayad ng rental.

“Okey siya sa mga unang buwan, pero after a few months, delayed na naman, kaya pinaaalis na siya ng may-ari. Nakakailang lipat na ba siya mula nu’ng dumating siya dito?

“Hindi na mabilang. Condo-bahay, condo-bahay, pero pinaaalis siya dahil sa hindi niya pagbabayad ng upa. Pati ba naman ‘yun na napakahalaga, e, pinababayaan pa niya?” kuwento ng aming impormante.

Minsan ay may nakita siyang maliit lang pero magandang bahay, kitang-kita niya ang nakapaskel sa pader ng house, “for rent.”

“Pero nu’ng kausapin niya ang owner ng house, ang sinabi sa kanya, e, may nauna na raw sa kanya, hindi lang nila natanggal ang karatula sa labas ng bahay. Okey, sabi ng aktres, okey lang!

“Pagkatapos nang ilang araw, e, napadaan uli si ____ (pangalan ng female personality na dinambana ng kanyang mga fans nu’ng kanyang kapanahunan) sa bahay. Nandu’n pa rin ang nakapaskel na karatula na pinauupahan ‘yun!

“Natural, inis na inis siya, hindi naman pala totoong may nakakuha na sa house, pinauupahan pa rin pala, ayaw lang ng owner na siya ang makakuha. Alam na!

“Natural, maraming nababalitaan ang may-ari ng house, kabisado nu’ng tao ang kartada ng girl na palaging hindi nakapagbabayad, kaya ayaw talagang ibigay sa kanya ang place!” napapailing na lang na kuwento ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kailangan pa ba naman ng milagro para mahulaan n’yo lang kung sino siya, anobeyen?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending