Under de saya na mister pinagputol-putol ang misis

By Leifbilly Begas March 12,2018
share this

Under de saya na mister pinagputol-putol ang misis

By Leifbilly Begas March 12,2018
share this
Tinapos na ng 43-anyos na lalaki na nagtatrabaho  sa isang Catholic School ang kanyang pagiging “under de saya” at pinagpuputol ang kanyang misis sa Quezon City, kahapon.
    Hindi nakitaan ng pagsisisi ng mga pulis ang suspek na si Orlando Estrera, maintenance sa isang paaralan, at residente ng Saint Michael st., Republic Ave., Brgy. Holy Spirit.
    Napulot naman ng otoridad sa labas ng bahay ang putol-putol na katawan ni Hiede Estrera, 46, head maintenance ng kaparehong paaralan.
    Narekober ng pulisya ang duguang patalim na ginamit ng suspek sa pagpaslang sa kanyang asawa.
    Isang residente ang napadaan sa bahay ng biktima at nakita nito ang mga piraso ng katawan kaya humingi ito ng tulong sa pulisya.
    Sinabi ng suspek na mula ng ikasal sila ay palagi na lamang ang kanyang misis ang nasusunod maging sila ay nasa bahay o sa trabaho. Labing-anim na taon na silang kasal.
    Napuno na umano siya kaya nagawa ang krimen.
    Umamin ang suspek na dati siyang gumamit ng ipinagbabawal na gamot.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending