Sigaw ng bashers: Kathryn buntis daw, dapat panagutan ni Daniel | Bandera

Sigaw ng bashers: Kathryn buntis daw, dapat panagutan ni Daniel

Cristy Fermin |March 12,2018
facebook
share this

Sigaw ng bashers: Kathryn buntis daw, dapat panagutan ni Daniel

Cristy Fermin - March 12, 2018 - 12:01 AM

 

WALA na talagang ligtas ngayon sa social media. Kahit sino na lang, kahit ano na lang ay puwedeng ibato laban sa kahit sinong personalidad para maupakan lang, mema lang.

May lumabas na larawan ang magandang young actress na si Kathryn Bernardo na ang suot niyang damit ay may kalambutan ang fabric kaya kumakapit ‘yun sa kanyang katawan.

Aysus, umarya na agad ang mga walang magawa, pinagdudahan na agad ng mga ito na nagdadalantao raw si Kathryn, si Daniel Padilla raw ang ama ng kanyang dinadala, nakakaloka!

Nagdamit lang na medyo may umumbok na bilbil, nagdadalantao na, mano man lang inisip muna ng mga naninira sa young actress na kailangan pa niyang mas dumalaw sa gym para mawala ang kanyang bilbil.

Sigaw ng mga walang magawa, buntis na raw ang magandang young actress, halatado na raw ang kanyang tiyan, panagutan daw naman kaya ni Daniel ang kanyang sitwasyon ngayon?

Tawa kami nang tawa sa naging reaksiyon ng kaibigan naming propesor kahapon habang sabay kaming tumutungga ng kape, “Ang sarap-sarap sungalngalin ng pagmumukha ng mga naninira kay Kathryn! Ang sarap nilang tampal-tampalin!

“Hindi ba puwedeng kakakain lang ni Kathryn nu’ng kunan ang picture na ‘yun at nasarapan siya ng kain, nabusog, kaya umumbok ang kanyang bilbil?

“Spell I kasi ang mga grupong ‘yun dahil kitang-kita naman na nagrerespetuhan at nagmamahalan sila ni DJ! Magtigil nga sila!” naiinis ding reaksiyon ni prop.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending