Gabby: Natutunan ko sa Ika-6 Na Utos ang pagpapatawad! | Bandera

Gabby: Natutunan ko sa Ika-6 Na Utos ang pagpapatawad!

|March 12,2018
facebook
share this

Gabby: Natutunan ko sa Ika-6 Na Utos ang pagpapatawad!

- March 12, 2018 - 12:15 AM

SUNSHINE DIZON, GABBY CONCEPCION AT RYZA CENON

MATAPOS ang mahigit isang taon ng pamamayagpag sa TV ratings, mapapanood na sa wakas ang pinakaaabangang pagtatapos ng number one drama series sa bansa, ang Ika-6 Na Utos, sa must-see finale week nito ngayong Marso 12-17 sa top-rating Afternoon Prime block ng GMA.

Hindi maikakailang na-ging usap-usapan sa buong bansa ang kwento ng Ika-6 Na Utos. Hindi lang ang viral confrontation scenes at trending episodes nito kundi pati na rin ang bawat karakter na naging parte na ng buhay ng mga manonood.

Pinangungunahan nina Sunshine Dizon, Ryza Cenon at Gabby Concepcion, pinakatinutukan ng viewers ang mga karakter nina Emma, Georgia at Rome. At ngayong nasa huling linggo na ang programa, ibinahagi ng tatlong lead stars ang mga aral na nais nilang matutunan ng lahat sa serye.

Ayon kay Sunshine, challenging pero fulfilling ang pagganap niya bilang Emma. Kaya naman, umaasa siya na sa kanyang naging pagganap dito ay matutunan ng mga mag-asawa na maging faithful at loyal sa kani-kanilang mga partners.

“Walang mabuting naidudulot ang lokohin ang taong pinangakuan mong mamahalin at iingatan. Maraming tao ang masasaktan lalo na’t kung kayo ay may anak na. Sana gaya ni Emma, huwag tayong sumuko sa mga ganitong hamon ng buhay,” ani Shine.

Para naman kay Gabby na maraming magagandang memories sa serye, “I learned the value of honesty, to be humble and grounded. Lahat naman yan ay pinagdadaanan sa tunay na buhay. Nobody is perfect. I hope there is room for forgiveness, change, love and eventually blessings.”

Ayon naman kay Ryza na talagang kasumpa-sumpa ang naging pagganap bilang Georgia, “Ang ultimate message ko sa mga taong nakaka-relate kay Georgia ay mahalin at respetuhin ang sarili bago magmahal ng iba kasi may tendency na makagawa ka ng masama dahil wala ka ng tinira sa sarili mo.”

May happy ending pa kaya na naghihintay para kina Rome at Emma? Hanggang kailan matatapos ang kasamaan ni Georgia? May mga huling pasabog pa kaya ang kontrabida sa buhay nina Emma at Rome?

Sa direksyon ni Laurice Guillen, huwag palampasin ang finale week ng Ika-6 Na Utos sa GMA lang after Eat Bulaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending