Suffer Sireyna ng Bulaga matinding insulto sa mga Bading; Allan K, Paolo binuweltahan | Bandera

Suffer Sireyna ng Bulaga matinding insulto sa mga Bading; Allan K, Paolo binuweltahan

Alex Brosas |March 11,2018
facebook
share this

Suffer Sireyna ng Bulaga matinding insulto sa mga Bading; Allan K, Paolo binuweltahan

Alex Brosas - March 11, 2018 - 01:00 AM

ALLAN K AT PAOLO BALLESTEROS

OUR colleague Alwin Ignacio ranted against Eat Bulaga’s Suffer SiReyna segment on his Facebook account.

“Ang Suffer SiReyna na spoof ng SuperSiReyna ay hindi nakakatuwa, hindi nakakatawa at mas lalong hindi nagbibigay respeto sa mga bakla.

“Sa nasabing segment, pinaglalaruan, tinutudyo at lantarang pambabastos ang ginagawa sa mga baklang hindi kagandahan. Sobrang pang-iinsulto at panlalait ang tinatanggap ng mga baklang salat sa kariktan na sa huli, barya-barya lang ang iuuwi.

“Sa isang pangmalakasang show na tulad ng EB, sa nasabing spoof, mas lalo nilang idinidiin na walang karapatan ang mga baklang pangit sa mundong ibabaw at ang palagian nilang papel sa lipunan ay para kutyain at gawing katawa-tawa.

“Nakakalungkot na ang mga tulad nina Allan K, Paolo Ballesteros at lahat mga baklang kasali sa produksyon, sumang-ayon sa segment. Alam ko na ‘trabaho lang ito at walang personalan’ para kina Allan at Paolo pero ang ganitong pangmamaliit sa mga bakla, hindi lang dapat nagdadabog ang bangs nating lahat, dapat inaangalan, pinapalagan.

“Ang mga progressive gay groups, tahimik na tahimik na naman kayo sa kaganapang ito? Hindi ba natin natatandaan ang sinabi ni Coring sa pelikulang Ang Tatay Kong Nanay: ‘Ako at lahat ng kapatid ko rito, ay tao rin naman. Marunong din akong tumawa. Marunong din akong umiyak. Kung ang pusa nga kapag natatapakan, ngumingiyaw din.’

“Lantarang bastusan sa telebisyon ang ginagawa sa mga sumasali sa Suffer SiReyna, ano ito, bulag, pipi at bingi kayo sa katotohanan? Hanggang kailan natin papayagan ang ganito, na laging ginagawang katatawanan at pinaglalaruan ang mga bakla at kabaklaan? Lagi na lang bang ang drama natin, it only hurts when we laugh?”

That was his long aria on FB. Any reaction mga taga-Eat Bulaga? Siguro magandang tingnan din ito ng MTRCB.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending