AlDub nagharutan, nagpakilig sa AD Summit 2018

By Jun Nardo March 11,2018
share this

AlDub nagharutan, nagpakilig sa AD Summit 2018

By Jun Nardo March 11,2018
share this

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

DINUMOG sina Alden Richards at Maine Mendoza ng mga delegate sa ADSummit 2018 nang dumating sila sa venue ng event sa Subic.

Game na game naman ang dalawa na pagbigyan ng mga gustong magkaroon ng picture sa kanila.

Present sina Alden at Meng sa summit kasama ang grupo ng Eat Bulaga Dabarkads. Isang dance number ang handog ng dalawa na sinamahan nila ng konting lambingan at harutan na ikinatuwa ng mga dumalo.

Bukod kina Alden at Maine, present din sa event sina Tito, Vic and Joey, Allan K, Ruby Rodriguez, Ryan Agoncillo at iba pa.

Samantala, hit na hit pa rin sa tao ang bagong labas na TV commercial nina Alden at Meng para sa brand ng ice cream na trending sa Twitter, huh!

Ibig sabihin lang nito, mainit pa rin ang AlDub sa buong universe.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending