Angel, Neil nagpakaligaya sa Japan: Medyo bitin lang kami! | Bandera

Angel, Neil nagpakaligaya sa Japan: Medyo bitin lang kami!

Ervin Santiago |March 10,2018
facebook
share this

Angel, Neil nagpakaligaya sa Japan: Medyo bitin lang kami!

Ervin Santiago - March 10, 2018 - 12:01 AM

Larawan mula sa Instagram/ @therealangellocsin

NABITIN  si Angel Locsin sa Japan trip nila ng kanyang boyfriend na si Neil Arce.

Nagkuwento ng kanilang escapades ang aktres sa isang panayam at sinabing kulang na kulang pa rin ang ilang araw nilang paglalamiyerda sa Kyoto, Japan.

Pero in fairness, mas naging fresh ang aura ni Angel pagbalik nila ni Neil sa bansa at feeling recharged para sa pagbabalik niya sa trabaho.

“Sobrang enjoy. Kasama ko ang team ko. It’s about time na ako naman mag-alaga sa kanila doon kasi ilang years na nila ako inaalagaan. Sobrang happy, malamig, medyo bitin. Sana mahaba-haba ang time pero kailangan bumalik na dahil may PGT (Pilipinas Got Talent),” pahayag ni Angel.

Ayon pa sa dalaga, sa lahat ng out-of-the-country trip nila ng kanyang BF, pinakaespesyal daw ang pagbabakasyon nila sa Japan.

“May mga travels na kami, nag-New Zealand na kami kasama sila Anne (Curtis). Nakapag Hong Kong na, pero yung officially together ito ang first time,” kuwento pa ni Angel.

Siyempre, kilig na kilig naman ang mga fans ni Angel sa mga ibinahagi nilang photos ni Neil sa kanilang Japan travel. And again, ipinagdarasal nila ang dalawa na sana’y natagpuan na nila ang forever sa piling ng isa’t isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending