Ate Vi natensyon kina Chief Justice Sereno, Associate Justice de Castro

By Leifbilly Begas March 09,2018
share this

Ate Vi natensyon kina Chief Justice Sereno, Associate Justice de Castro

By Leifbilly Begas March 09,2018
share this

RAMDAM na ramdam ng aktres at Batangas Rep. Vilma Santos-Recto ang tensyon nang maumupo siya sa pagitan nina Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Associate Justice Teresita de Castro sa isang event sa Manila Hotel noong Huwebes.

Ayon kay ate Vi ramdam niya ang tensyon sa buong function hall kung saan ginawa ang convention ng Philippine Women Judges Association.
Sa kanyang speech inungkat ni Sereno ang kinakaharap niyang impeachment at sinabi na lalabanan niya ito.
Matapos magsalita ang Punong Mahistrado, tumayo naman si de Castro na humingi ng paumanhin sa audience dahil hindi umano dapat tinalakay ni Sereno ang kaso na maituturing na subjudice.
Si ate Vi ang dapat na susunod na magsasalita pero naunahan siya ni de Castro na pumunta sa podium.
Ang tensyon umano ang dahilan kung bakit ang unang nasambit niya ay “hindi ako makahinga”.
Ninais umano ni ate Vi na pagaanin ang sitwasyon kaya sinabi niya: “Let’s just stay fabulous” na pinalakpakan naman ng audience.
Bago matapos ang event ay nagkaroon ng pagkakataon si ate Vi na yakapin si Sereno at sinabihan umano niya ito na magdarasal para sa kanya.
Nangako si ate Vi na pag-aaralang mabuti ang committee report ng impeachment complaint.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending