Pakiusap ni Angel sa mga kababaihan: I vote we stop the girl-on-girl crime! | Bandera

Pakiusap ni Angel sa mga kababaihan: I vote we stop the girl-on-girl crime!

Reggee Bonoan |March 09,2018
facebook
share this

Pakiusap ni Angel sa mga kababaihan: I vote we stop the girl-on-girl crime!

Reggee Bonoan - March 09, 2018 - 12:05 AM

ANGEL LOCSIN

NAIS nang tuldukan ni Angel Locsin ang kontrobersiyang episode ng Pilipinas Got Talent kung saan nag-audition ang isang sexy all-female group na hindi nila binigyan ng “yes” vote ni Vice Ganda.

Bukod dito, nilinaw din ng aktres na walang isyu sa pagitan niya at ng iba pang judge ng PGT, kabilang na sina Robin Padilla at G. Freddie Garcia.

Sa panayam ng ABS-CBN, sinabi ni Angel na solid pa rin ang samahan nilang mga hurado at trabaho lang ang kanilang ginagawa kaya walang personalan.

“Yung comments ng kapwa judges, mahal na mahal ko kapwa judges ko, mahalaga kami sa isa’t isa.

Hindi kami nagbabastusan, ganun lang kami talaga. Siniseryoso lang namin itong ginagawa talaga,” ani Angel.

Ang advice ng dalaga sa mga mag-o-audition, “Siguro mas kailangan maghanda ng mga contestants kasi seryoso na ito talaga. Magagaling din ang ibang contestants kaya dapat magpakita sila ng kakaiba at pinakabest na performance na maibibigay nila talaga.”

At tungkol naman sa sexy girl group na nag-audition sa programa na binigyan niya ng red X button, nais niyang matapos na ang isyu. Hindi na rin niya pinatulan ang pasaring sa kanya ng isang miyembro ng grupo.

Tweet ni Angel, “Ladies, stop using derogatory remarks against each other. As women, we need to stick together to empower us collectively. I vote we stop the girl-on-girl crime!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending