Yassi Pressman kinuyog ng bashers, sobrang landi raw | Bandera

Yassi Pressman kinuyog ng bashers, sobrang landi raw

Cristy Fermin |March 08,2018
facebook
share this

Yassi Pressman kinuyog ng bashers, sobrang landi raw

Cristy Fermin - March 08, 2018 - 12:01 AM


KUNG minsan talaga ay hindi naihihiwalay ng manonood ang karakter na ginagampanan ng artista sa isang serye sa tunay na buhay. Tulad na lang ni Yassi Pressman na gumaganap na misis ni Coco Martin sa panalung-panalong seryeng Ang Probinsyano.

Nagkakalabuan kasi ang mag-asawa dahil hindi na nabibigyan ng panahon ni Cardo Dalisay ang kanyang misis na si Alyanna. Sobra ang dedikasyon ng bumibida sa paghanap ng katarungan para sa namatay nilang anak nang bombahin ang isang mall.

Dahil du’n ay humulagpos na ang pasensiya ni misis, binigyan ng ultimatum ang kanyang mister, pero nang hindi pa rin ito nakatupad ay hiniwalayan na ni Alyanna si Dalisay.

Du’n naman pumasok ang magaling na aktor na si JC Santos na anak ng bise-presidente at boss ni Alyanna sa pinapasukan niyang opisina. Nagkainteres sa kanya ang boss, hanggang sa makuha na ang kalooban ng misis ni Cardo, nagalit ang taumbayan!

Nakakaloka ang mga komento sa social media laban kay Yassi Pressman at hindi sa karakter niyang si Alyanna. Ang landi-landi raw ng magandang aktres, sisimple-simple lang ang itsura, pero ibang klase palang mangaliwa.

Parang lumalabas na sa tunay na buhay kinakaliwa ni Yassi si Coco, hindi ang kanyang karakter sa Ang Probinsyano ang inuupakan, kundi ang dalaga mismo.

Grabe ang mga komento, parang napakalaki na ng krimeng nagawa ni Yassi Pressman, samantalang sumusunod lang naman siya sa daloy ng kuwento ng seryeng hindi mapataob sa rating ng kanilang mga kasabayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending