Edu, Dawn, Alice, Rowell pasok sa ‘Probinsyano’ | Bandera

Edu, Dawn, Alice, Rowell pasok sa ‘Probinsyano’

|March 08,2018
facebook
share this

Edu, Dawn, Alice, Rowell pasok sa ‘Probinsyano’

- March 08, 2018 - 12:30 AM

BUMALIK na sa ABS-CBN si Edu Manzano at makakasama na rin siya sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Sa Instagram account ng Dreamscape Entertainment head na si Roldeo Endrinal, makikita ang ilang litrato ni Edu kasama ang iba pang bagong members ng cast ng nasabing primetime series ng ABS-CBN, kabilang na nga riyan sina Alice Dixson, Dawn Zulueta at Rowell Santiago.

Ito naman ang magsisilbing reunion project para kina Dawn at Coco na nang nagkatrabaho sa teleseryeng Walang Hanggan noong 2012.

Pero bago ang mga eksena nina Edu, Dawn, Alice at Rowell, tutukan muna ang mainit na bakbakan sa malamig na panahon ng Baguio si Cardo (Coco) sa pagsalakay niya kasama ang Vendetta upang tugisin sina Don Emilio (Eddie Garcia) at De Silva (Joko Diaz) sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Wala nang takas pa ang mga kalaban ni Cardo dahil susuyurin niya at ng kanyang grupo ang bawat sulok ng Baguio upang pigilan ang paghahasik nila ng kaguluhan sa lungsod.

Ngunit sabay sa selebrasyon ng piyesta ng Panagbenga, isang malaking unos ang kanilang haharapin sa pagpapasabog ng bomba ng mga tauhan nina Don Emilio at De Silva, na nagbabadyang magpahamak sa buhay ng libo-libong tao.

Malalagay din ang buhay ng pamilya ni Cardo sa panganib dahil ang buong pamilya niya ay nasa Baguio rin upang ipagdiwang ang kaarawan ni Lola Flora (Susan Roces) at nakaambang madamay sa kaguluhan.

Magawa nga kayang pigilan ni Cardo sina Don Emilio at De Silva? Abangan lahat ‘yan sa Ang Probinsyano pagkatapos ng TV Patrol.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending