Posisyon ni Wanda Teo, target ni ex-Mr. Exec

By Den Macaranas March 07,2018
share this

Posisyon ni Wanda Teo, target ni ex-Mr. Exec

By Den Macaranas March 07,2018
share this

MASAMA ang loob pero gustong bumalik sa administrasyon ng isang sinibak na opisyal ng isang government owned and controlled corporation.

Target ng dating opisyal na ito ang pwesto bilang Department of Tourism secretary na umano’y swak sa kanyang portfolio. ‘Yun ay base naman sa kanyang paniniwala sa kanyang sarili.

Kamakailan lang ay naging laman siya ng mga balita makaraan siyang masibak sa pwesto dahil sa tangkang paggamit sa pondo ng kanyang tanggapan sa katiwalian.

Isang grupo kasi ang kanyang kinausap na umano’y hahawak sa media campaign ng Duterte administration gamit ang pondo na magmumula sa isang GOCC.

Malinaw na isa itong uri ng malversation pero kayang-kaya daw niya itong ilusot lalo’t tumulong siya sa kampanya ng dating pangulo.

Laging ipinagyayabang ng dating opisyal na sanggang-dikit sila ng pangulo at malaki ang tiwala sa kanya ng Chief Exexutive.

Pero makaraan siyang masibak sa pwesto ay bigla itong tumahimik lalo’t nagmukha siyang tanga sa kanyang mga kausap na madalas niyang pagyabangan na kaibigan niyang matalik ang pangulo.

Makaraan ang ilang linggong pag-iisip ay bigla siyang nagkainteres sa posisyon ni Sec. Wanda Teo.

Ngayon ay ginagapang umano niya ang nasabing pwesto ayon sa ating Crickets pero wala namang pumapansin sa kanya dahil basang-basa ang kanyang papel sa pangulo.

Kilalang marunong pumosisyon sa pamahaan ang pamilya ng bida sa ating kwento dahil may mga kaanak rin siya na sumuporta rin sa ibang kandidato sa nakaraang presidential election.

Well-represented ika nga sinuman ang manalo pero ang maganda rito ay unti-unti na ring nalalantad sa publiko ang kanilang maruming laro kabilang na ang pagpapanggap bilang mga politicial influencers.

Ang sinibak na dating opisyal ng isang GOCC na target maging miyembro ng gabinete ng pangulo ay si Mr. L…as in Lampa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending