Mariel de Leon lalaban ng paseksihan kay Lovi, pero ayaw tumodo sa hubaran | Bandera

Mariel de Leon lalaban ng paseksihan kay Lovi, pero ayaw tumodo sa hubaran

Jun Nardo |March 07,2018
facebook
share this

Mariel de Leon lalaban ng paseksihan kay Lovi, pero ayaw tumodo sa hubaran

Jun Nardo - March 07, 2018 - 12:01 AM


MAKIKIPAGSABAYAN si Mariel de Leon sa kaseksihan ni Lovi Poe sa pagsasamahan nilang movie na “Latay” kapareha si Allen Dizon under BG Productions.

Kaya naman todo-diet na siya nang sa gayon eh maging pasiklab din ang katawan niya.

E, alam n’yo naman si Lovi walang inuurungan ‘yan, talagang itotodo niya ang pagpapaseksi kung kailangan sa isang proyekto.

Sa pag-focus ngayon ni Mariel sa acting career matapos matikman ang umarte sa pelikulang “Ang Panday,” na naging entry sa nakaraang MMFF 2018, kinuha niyang manager si Leo Dominguez.

“Binibining Pilipinas allowed me to sign with Leo. Yes, diretso na ako sa acting,” saad ni Mariel nang ipa-interview siya ni Leo sa ilang members ng press.

“After ng Panday, nag-enjoy po ako. Parang I learned more about it,” dagdag niya.

Naging kontrobersyal si Mariel nang lumaban siya sa Japan para sa Miss International dahil sa matapang niyang pagsagot sa bashers na lumait-lait sa pagkatalo niya.

“It was my first time to be exposed to that kind of people. It’s part of growing up kasi sheltered child ako. To Binibini tapos, biglang…Ha! Ha! Ha!

“Pero ngayon, okay na ako kasi I realized lahat naman may bashers kahit ‘yung hindi non-showbiz, meron din. You can never please anyone so parang do what you want. I’ll still express. This time I’ll be more careful my with my words but it won’t stop from being myself,” rason ng anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

“I felt bad about that but I am happy my family felt for me. Eh, hindi ko naman sila kilala. Supportive naman ang parents ko but they always say think about it. Be careful na lang and always think first. Think before you click,” katwiran pa niya.

Saad pa niya kaya papasok sa acting, mas nag-enjoy siya sa shoot ng “Panday” kesa sa pageant. First time niyang nakasakay sa motor at naranasan niyang madapuan ng ipis sa mukha.

“Nakaka-stress din kasi ang pageant kasi ang daming activities tapos pressure pa kasi you represent your country.

“Sa international stage, you’re the only Filipino being there so nakaka-pressure din. Pero I enjoyed it naman,” sey pa niya.

Payag ba siyang makasama ang parents niya sa isang project?

“Parang it’s weird acting with your parents! Ha! Ha! Ha! Kasi of all people, I don’t know parang weird lang. Baka magalit sila! Ha! Ha! Ha!” bulalas pa ni Mariel.

Ano naman ang limitations niya sa pag-rte?

“Siguro nothing too sexy! No nudity, my God! Still wholesome naman,” sey niya. “Pero puwedeng konting sexy, kissing scene, bed scene! Ha! Ha! Ha!’ dagdag pa ni Mariel na napakseksi ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sasabak man si Mariel sa mundo ng pelikula, wala pa siyang TV network na napili sa paggawa ng teleserye.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending