Resbak ng basher kay Angel: Pasalamat ka nag-bra at panty pa kami sa PGT audition!!! | Bandera

Resbak ng basher kay Angel: Pasalamat ka nag-bra at panty pa kami sa PGT audition!!!

Alex Brosas |March 06,2018
facebook
share this

Resbak ng basher kay Angel: Pasalamat ka nag-bra at panty pa kami sa PGT audition!!!

Alex Brosas - March 06, 2018 - 12:05 AM

ANGEL LOCSIN

MGA netizens ang rumesbak sa bashing na inabot ni Angel Locsin after she made a comment sa isang sexy dance performance ng carwash girls sa Pilipinas Got Talent.

May isang nanglait kay Angel and said, “Walanjo! Bakit umiyak yun? Pasalamat ka nga nagbra at panty pa kami. Ikaw nga jan nagDarna, may nude picture ka pa na halos hubad na. Buti sa balat namin concern ka, sa sarili mong balat wala.”

Sinagot naman sila ng fans ng aktres.

“Wow ha! Di naman talent yung pinakita niyo eh! Ikaw pa may gana magalit. Buti nga naging concern pa c Angel sa inyo tama naman cia, masyado malaswa ginawa niyo. Di naman talent yun.”

“Muka talagang na misunderstood niu yung cnabi ni Angel. Hindi niu kc maintindihan na oo magaling kayong sumayaw at feeling niu talent na yan ginawa niu. But the fact na kahit saan aspeto hindi nga magandang panuorin ang ginawa niu dahil napapanood kayu ng buong bansa.

“At hindi lang naman matatanda ang nakakapanood sa inyp kundi pati mga bata. Eh di kung nag yes sa inyo si Angel that means mababa na ang kalidad ng PGT sa pagpili ng totoong talento.

“At paano pa kung nakapasok kau sa PGT baka mas malala pa ang gawin niu sa stage. Yan nga lang naka underwear kau eh anu pa ang next. Respect lang sa kababaihan ang ginawa ni Angel.”

“Una sa lahat hindi pang 2 million ang talent niyo. Napanood ko yung performance niyo at napanuod ko rin ang comment ni Angel. Walang panget at masamang sinabi si Angel, the fact is para sa inyo lang naman yung comment niya! Advocacy niya yun to protect the women.

“At sabi nga ni Vice Ganda hindi sa suot nakikita ang talent kahit naka pajama kalang pwede basta kakaiba ang ipapakita mong talent. Yung pagda Darna ni Angel million yung talent fee nun.

“Ano bang bago sa pinakita niyo? Yung sasakyan? Kayo na nagka carwash habang sumasayaw? Tapos ang lakas pa ng loob mo na sabihan ng hindi maganda si Angel? Yan ang patunay na wala kang pinag aralan! God bless na lang!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending