Angelica haba-haba ng hair, 2 lalaki ang laging ka-date | Bandera

Angelica haba-haba ng hair, 2 lalaki ang laging ka-date

Julie Bonifacio |March 05,2018
facebook
share this

Angelica haba-haba ng hair, 2 lalaki ang laging ka-date

Julie Bonifacio - March 05, 2018 - 12:05 AM

ANGELICA PANGANIBAN

FEELING ang haba-haba ng hair ulit ni Angelica Panganiban nowadays. Dalawang mahuhusay na aktor kasi ang nakikitang kasama niya kapag naglalamyerda.

Una na si Carlo Aquino na dati niyang boyfriend at ang nagbabalik showbiz at ex-screen partner ni Angelica na si JM de Guzman.

Pero ayon kay Carlo, enjoy-enjoy lang muna sila ni Angelica bilang magkaibigan. But deep inside him, always special sa kanya si Angelica.

Sa ngayon, maugong ang balita na may gagawin silang proyekto ni Angelica. Last time raw na nagkatrabaho ang dalawa ay three years ago pa sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

Habang may tsika na magkakaroon ng sequel ang pelikulang unang pinagtambalan nina Angelica at JM kung saan naalaala pa namin na may eksena doon na pinag-usapan nila si John Lloyd Cruz.

And speaking of MMK, muling i-pinamalas ni Carlo sa programa ni Charo Santos ang kanyang husay sa pag-arte kung saan ginampanan niya ang karakter ni Pablo, isang bulag na naging motivational speaker mula sa Baguio.

Noon pa man, hangad lamang ni Paolo na matulungan ang kanyang bulag na inang si Tess (Irma Adlawan) na mag-isang itinataguyod ang kanilang pamilya.

Kahit mahirap, kinayang makapagtapos ni Paolo at naging isang customer sales representative sa isang magandang kumpanya sa Maynila. Ngunit sa kasagsagan ng kanyang pag-angat sa trabaho, nagsimula nang lumabo ang kanyang mata.

Nagdulot ito ng diskriminasyon at pangungutya sa kanya hanggang sa ata-kihin na siya ng matinding depresyon at nagtangka pang magpakamatay.

Nakasama rin sa MMK episode ni Carlo sina Lui Villaruz, Noel Colet, CX Navarro, Lester Llansang, Roeder Camanag, Jojo Abellana, Jj Quillantang at Yñigo Delen, na idinirek nina Mae Cruz Alviar at Nuel Naval at panulat nina Mae Rose Balanay at Arah Jell Badayos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending