Bela pinatunayang OK sila ni Angel: Salamat sa masarap na dinner!

By Ervin Santiago March 05,2018
share this

Bela pinatunayang OK sila ni Angel: Salamat sa masarap na dinner!

By Ervin Santiago March 05,2018
share this


SPEAKING of Angel, pinatunayan naman ni Bela Padilla na wala silang issue sa isa’t isa. Boyfriend ngayon ni Angel ang ex ni Bela na si Neil Arce.

Nagkasama ang dalawang aktres sa isang event sa De La Salle Santiago Zobel School sa Muntinlupa at nagkayayaang mag-dinner.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Bela ng isang litrato na kuha sa nasabing event kung saan tumanggap siya ng parangal para sa pelikulang 100 Tula Para Kay Stella. Nagpasalamat siya sa lahat ng mga taong nagtiwala at sumusuporta sa kanya.

Sa bandang huli ng kanyang mensahe, sinabi niyang, “Maraming salamat po Angel (@therealangellocsin), salamat sa masarap na dinner at kwentuhan.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending