Thai pop star bagong katambal ni Maja, magpapasabog na ng good vibes sa Asia | Bandera

Thai pop star bagong katambal ni Maja, magpapasabog na ng good vibes sa Asia

Ervin Santiago |March 03,2018
facebook
share this

Thai pop star bagong katambal ni Maja, magpapasabog na ng good vibes sa Asia

Ervin Santiago - March 03, 2018 - 01:05 AM

MAJA SALVADOR AT TOR+SAKSIT

SIGURADONG mamahalin din ng mga Thai ang Kapamilya actress na si Maja Salvador dahil sa pinakabagong proyekto ng Ivory Music & Video kasama ang BEC-TERO Music Thailand at Thailand Tourism Authority.

Pagkatapos ng kanyang kontrobersyal na seryeng Wildflower sa ABS-CBN, muling pagtutuunan ng pansin ni Maja ang kanyang pagiging singer/performer. Siya ang napili ng BEC-TERO Music at Thailand Tourism Authority para sa tinaguriang Asia’s boldest musical collaboration to hit the musical scene.

Pinagsama nila ang Dance Princess ng Pilipinas at ang most adored pop singer and pianist ng Thailand na si Tor+Saksit para mag-collaborate sa kantang “Falling Into You”. Isa na naman itong bonggang milestone sa kanyang showbiz career.

“Kung noong 2017 nagpakaaktress ako, this 2018, magpapaka-singer naman ako this year. At napakagandang regalo po sa akin na mapili ng BEC-TERO Music Thailand at Thailand Tourism Authority para makatrabaho si Tor,” sey ni Maja sa isang panayam.

Noong September, 2017 lumipad patungong Bangkok, Thailand si Maja para i-record ang “Falling Into You” kasama ang Thai heartthrob na si Tor na first time ring tutugtog ng English song. Kamakailan naman, bumisita sa Pilipinas si Tor para sa promo ng kanta at music video shoot.

Penned by Tor himself and other co-writers, the song highlights Tor’s smooth, swooning piano playing skills and vocals, complimented by her MAJAsty’s sultry, emotion-filled delivery.

Si Victor Lau, na isang sikat na musical producer and composer sa Taiwan na nakatrabaho na rin ni Vaness Wu ng Meteor Garden, ang nag-produce ng duet nina Maja at Tor na pormal nang ni-release last Feb. 9. “Falling Into You” is now digitally available on iTunes, Apple Music, Spotify, Deezer and Amazon Music.

Co-presented by Tourism Authority of Thailand and Isuzu mu-X Blue Power, and co-supported by Marco Polo Hotel, Megaworld Lifestyle Malls at Robinsons Malls, ang “Falling Into You” ay kasalukuyan nang nagpapasabog ng kilig sa mga Pinoy at Thai, pati na rin sa iba’t ibang bahagi ng Asia.

Sa mga nagtatanong kung posible bang magtambal din sina Maja at Tor sa isang pelikula tulad ng ginawa noon ni Erich Gonzales at ng isa pang Thai superstar na si Mario Maurer noong 2012 (Suddenly It’s Magic) sa Star Cinema, ‘yan ang dapat abangan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending