Driver’s license, car registration matching ipatupad na!

By Ira Panganiban March 02,2018
share this

Driver’s license, car registration matching ipatupad na!

By Ira Panganiban March 02,2018
share this

SA buong mundo, kapag ikaw ay bumili ng kotse, mandato ka na ilagay agad sa pangalan mo ang rehistro ng kotse. Kapag ikaw ay sinita ng pulis at hiningi ang lisensiya at rehistro mo, dapat pareho ang pangalan sa dalawang dokumento kung hindi ay agad ang imbestigasyon sa hinalang ninakaw mo ang kotseng dala mo.

Dito sa Pilipinas ay uso pa rin ang tinatawag na “open deed of sale” ng mga second hand na kotse, kung saan walang pangalan ng bumili sa deed of sale at nasa pangalan pa rin ng dating may-ari ang rehistro ng kotse.

Dahil dito, talamak ang pagsuway ng mga driver sa mga traffic rules dahil kailangang personal silang mahuli ng pulis o traffic enforcer para kumpiskahin ang lisensiya nila. Walang ibang paraan para masita ang driver kundi sa ganitong sistema.

Sa ibang bansa, kailangan lamang makita ang plate number ng kotse kapag ang isang motorista ay lumabag sa alituntunin at dito ilalatag ang violation. Pinadadala na lamang sa pamamagitan ng Post Office sa address ng rehistro ang mga traffic violation ticket nila. Kapag hindi mo binayaran ang mga tiket mo, sa renewal ng rehistro ng kotse mo ikaw bibirahin ng singil at impounding ng kotse at suspensiyon ng lisensiya.

Ito ang isa sa mga sistema sa ibang bansa para mapilit ang mga motorista nila na sumunod sa batas trapiko kahit kokonti ang enforcer nila. Napipigil din ang kalokohan at krimen gamit ang kotse at motorsiklo dahil ang rehistro ay updated sa pangalan ng may-ari.

Madami ang magsasabi na papaano kung ninakaw ang kotse o plaka nila. Hindi ba’t dapat ay naisumbong sa pulis ang ganitong insidente kaya hindi puwedeng gawin itong dahilan.

Paaano naman kung hiniram ng kaibigan o anak ang kotse? Responsibilidad pa rin ng may-ari na malaman ito dahil sasakyan pa rin niya iyon. Puwede rin niya singilin ang multa sa humiram sa kanya.

Matitigil na rin ang away sa pagitan ng traffic enforcer o pulis at ng driver o rider dahil hindi na kailangan pang makipagtalo ng enforcer sa driver. Kung ayaw ibigay ang lisensiya ay puwedeng ang sasakyan ang tiketan agad para mabilis matapos ang isyu. Mawawala na rin ang dahilan ng mga tiwaling enforcer na makipagusap pa sa mga driver at mangikil ng pera.

Simple ang hakbang na ito at epektibo sa “contactless apprehension policy” ng MMDA at LTO, subalit hindi natin maintindihan kung bakit hindi nila magaya ito dahil “global best practice” na po ito.

Para sa komento o suhestiyon, sumulat lamang sa irie.panganiban@gmail.com o sa inquirerbandera2016@gmail.com.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending