BF ni BFF gustong ahasin

By Beth Viaje March 02,2018
share this

BF ni BFF gustong ahasin

By Beth Viaje March 02,2018
share this

ATENG Beth, magandang araw sa iyo.

Isa akong bading na in love ngayon sa boyfriend ng bestfriend ko na bading din. Hindi alam ni bestfriend ang nararamdaman ko. Hindi rin niya alam na nagtapat na rin ako sa boyfriend niya na gusto ko nga siya.

Maganda naman po pakikitungo sa akin ng boyfriend niya, pero hindi siya nag-take advantage. Natuwa naman ako doon sa guy dahil may pagpapahalaga siya sa relasyon niya sa bestfriend ko. Yun lang, naiinggit ako pag magkasama sila.

Ngayon, natatakot ako pag nalaman ni bestfriend ang feelings ko, baka isipin niya inaahas ko sa kanya ang kanyang boylet.

Ramir alias Beyonce

Talagang dapat ka ngang matakot sa best friend mo. ‘Di ba nga inaahas mo na BF niya? Anong motibo bakit ka nagtapat sa kanya in the first place? E, di ba para ahasin? Ano pang gusto mong isipin ng best friend mo, santo ka?! Pitikin ko yang ano mo, e!

Tell you what – di ka lang ahas ‘teh, buwaya ka pa! Kagat kagat na ng iba, aagawin pa?!

Buti na lang at may pagpapahalaga si boyfriend sa kanyang jowa, di katulad ng iba diyan, kinatalo si best friend, di pinahalagahan ang friendship. Very bad, Beyonce!

Payo ko sa yo teh, tigilan ang pag third wheel sa kanila.

Naiinggit ka na, alam mo susunod dyan? Mang-aaswang ka na at wala ka nang pakialam kung kaibigan mo ang masaktan mo.

No wonder single ka! (excuse me lang ha…alam mo naman ang ateng mo diretsong magsasalita sa inyo since pinili nyo namang sa akin magpa advice, kaya magtiis ka!) baka nasi-sense ng mga prospect mo na inggitera ka at probably controlling at selosa ka.

Mag soul searching ka ‘teh. Malapit na mahal na araw….alam kong every one of us ay nagdedesire na may magmamahal sa atin pero wag naman yung meron pang masasaktan na iba para lang lumigaya tayo. Hindi yung may magmamahal nga sa yo, nawala naman yung unang nagmahal sa yo kahit pa masama ugali mo!

Alam mo yun, maagaw mo nga si BF, nawala naman si friendship. Ganon ba talaga ang gusto mo?!

At aminin naman natin, kung magagawa ni BF na iwan si bestfriend para sa yo, sa palagay mo di nya magagawa na iwan ka nya balang araw pag may nakita syang mas higit pa sa ‘yo?

Sana mas pahalagahan natin yung mga importanteng relasyon. Naghahanap ka ng pagmamahal, I know that, pero di ba kaya nga kayo naging mag bestfriend kasi mahal nyo ang isa’t isa? So bakit mo ipagpapalit yun sa isang lalaking pwede ka ring palitan o gamitin lang.

Ayusin mo muna sarili mo. Alisin ang pagka inggitera at sakim…mag transform na magandang bulaklak kesa magpaka ahas….mag simba kesa mang aswang! Yun lang!

May nais ka bang isangguni kay
Ateng Beth? I-text sa 09156414963

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending