SSS members pinag-iingat sa mga fixers

By Liza Soriano March 02,2018
share this

SSS members pinag-iingat sa mga fixers

By Liza Soriano March 02,2018
share this

PINAG-IINGAT ng Social Security System (SSS) ang mga miyembro nito at ang publiko na huwag magpaloko sa nag-aalok na magproseso ng Unified Multipurpose Identification Card (UMID), pagkuha ng SSS number at kopya ng SSS Form E-1 o Personal Data records na may kaakibat na bayad na ginagawa online.

Binigyang-diin ni SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc na ang SSS ay HINDI nakikipagtransaksyon sa mga miyembro nito at sa publiko sa pamamagitan ng ibang tao at HINDI nanghihingi ng bayad sa bawat transaksyon.

Pinaalalahanan ni Dooc ang mga miyembro ng SSS at ang publiko na makipag-ugnayan lamang sa mga susunod na opisyal na komunikasyon ng ahensya:

• SSS Branches at Service Offices sa mga piling shopping mall.

• SSS Call Center (phone number: 920-6446 to 55); Toll free number 1-800-10-2255-777

• Member Communications and Assistance Department (email address: member_relations@sss.gov.ph)

• Member Electronic Services Department (email address: onlineserviceassistance@sss.gov.ph)

• SSS OFW Contact Services Unit (email address:ofw.relations@sss.gov.ph)

• SSS website (www.sss.gov.ph)

• Text SSS (sender is 2600)

• Text Blast (sender is “SSS”)

Isumbong ang anumang panloloko sa pinakamalapit na SSS branch o pumunta ng diretso sa SSS Special Investigation Department, 4th Floor SSS Main Office, East Avenue, Diliman Quezon City.

SSS Pres and Chief Executive President Emmanuel Dooc
SSS MEDIA AFFAIRS DEPARTMENT
(02) 9206401 local 5050, 5052-55, 5058
7th floor SSS Building, East Avenue,
Diliman,
Quezon City

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending