Angelica sa mga nega: Kung ayaw nila, e, di ayaw nila, basta ako masaya lang! | Bandera

Angelica sa mga nega: Kung ayaw nila, e, di ayaw nila, basta ako masaya lang!

Ervin Santiago |March 02,2018
facebook
share this

Angelica sa mga nega: Kung ayaw nila, e, di ayaw nila, basta ako masaya lang!

Ervin Santiago - March 02, 2018 - 12:45 AM

ANGELICA PANGANIBAN

INE-ENJOY lang ngayon ng ex-couple na sina Carlo Aquino at Angelica Panganiban ang kanilang special friendship.

Ayon kay Carlo, natutuwa siya dahil marami ang natutuwa at kinikilig sa tambalan nila ni Angelica.

Pero aniya, magkaibigan lang daw talaga sila ngayon at suportado nila ang career ng isa’t isa.

“Friends, enjoy lang, company, friendship. Kiligin? Tingnan natin. Court? Wala pa, yun nga fresh pa (ang break-up), sabi nga nila i-enjoy mo,” ani Carlo sa isang panayam.

Matagal na raw silang close ni Angelica, hindi lang daw ito napapansin ng mga tao noon dahil may kani-kanya pa silang partner noon. At dahil pareho silang single ngayon, mas marami silang panahon para makapag-bonding.

“Tulad ng sinabi ko dati, kung sakaling magkaroon ako ng ibang partner, magkaroon siya ng ibang partner, sana matanggap ng mga partner namin na special siya. Ako, espesyal siya para sa akin. Hindi ko alam sa kanya,” ang natatawang pahayag pa ni Carlo sa interview sa kanya ng ilang reporter sa nakaraang book launch ni Angelica.

Kinumpirma rin ni Carlo na posibleng matuloy na rin ang pagsasamahan nilang pelikula ni Angelica at malamang daw ay isa pa rin itong romcom mula sa Star Cinema.

Samantala, may mensahe naman si Angelica sa mga hindi natutuwa sa kanyang mga hugot lines, OA na raw kasi ang ex girlfriend ni John Lloyd Cruz, “I’m just proud of myself you know. Kasi masaya ako.

“Ewan ko siguro ganito na ako. Kasi ganu’n e. Wala, masaya lang e. Kung ayaw nila, di ayaw nila. Basta ako masaya lang ako,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending