Willie Revillame, Wowowin gamot ng mga senior citizen | Bandera

Willie Revillame, Wowowin gamot ng mga senior citizen

Cristy Fermin |March 02,2018
facebook
share this

Willie Revillame, Wowowin gamot ng mga senior citizen

Cristy Fermin - March 02, 2018 - 12:20 AM

WILLIE REVILLAME

ISANG malaking karangalan ang igagawad ngayong hapon kay Willie Revillame ng GEMS (Guild of Educators, Mentors And Students) sa ikalawang taon ng pamamahagi nila ng parangal na gaganapin sa Center For Performing Arts, De La Salle Santiago Zobel School, Ayala-Alabang.

Natatanging Hiyas Ng Sining Sa Telebisyon ang tatanggapin ni Willie Revillame, ang pinakamataas na parangal sa mundo ng telebisyon, bukod pa sa pagwawagi ng Wowowin sa kanyang episode ng “The Marawi Tribute-Puso Para Sa Bayan.”

Ilang personalidad na may napatunayan na sa langaran ng telebisyon ang naglaban-laban para sa kategorya, pero sa huling pagtutuos sa deliberasyon ay ang aktor-TV host ang nakakuha ng parangal, maraming dahilan kung bakit siya ang nanalo.

Ayon kay Mr. Norman Mauro Llaguno, ang presidente at founder ng GEMS, “Si Willie ang nakakuha ng pinakamataas na pagsang-ayon dahil kahit saan siyang network magserbisyo, sinusundan siya ng publiko.

“Palaging panalo ang kanyang programa mula nu’ng nasa ABS-CBN pa siya, hanggang sa lumipat siya sa TV5, at ngayon sa GMA 7. Matindi ang hawak niya sa publiko dito o sa iba-ibang bansa man.

“Walang nakapagpapadapa sa kanya kahit saang istasyon siya magkaroon ng programa, talagang sumusunod sa kanya ang mga kababayan natin, siya ang itinuturing na gamot sa kalungkutan ng mga Pinoy lalo na ng mga senior citizens na umiidolo sa kanya,” pahayag ni Teacher NL.

Maligayang bati sa lahat ng mga personalidad, programa at pelikulang pararangalan ng GEMS ngayong hapon. At mabuhay ang mga opisyales at miyembro ng GEMS sa ibinibigay nilang pagpapahalaga sa mga karapat-dapat na bahagi ng industriya ng pelikula, radyo, telebisyon, panulat at entablado.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending