Hugot ni Angelica sa big boss ng ABS: Lahat sila inayawan ako...buti kayo ako ang pinili! | Bandera

Hugot ni Angelica sa big boss ng ABS: Lahat sila inayawan ako…buti kayo ako ang pinili!

Ervin Santiago |March 01,2018
facebook
share this

Hugot ni Angelica sa big boss ng ABS: Lahat sila inayawan ako…buti kayo ako ang pinili!

Ervin Santiago - March 01, 2018 - 12:05 AM


KAHIT ang presidente at CEO ng ABS-CBN ay hindi nakaligtas sa mga hugot ni Angelica Panganiban.

Dumalo si ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak sa thanksgiving party ng Star Cinema para sa success ng pelikulang “Ang Dalawang Mrs. Reyes” na pinagbidahan nina Angelica at Judy Ann Santos.

Sa isang video na ipinost ng Star Cinema, mapapanood ang “thank you” speech ni Angelica during the event, partikular na ang pagpapasalamat niya sa ABS-CBN.

Idinaan muli ng dalaga ang kanyang mensahe sa kanyang mga hugot lines na talaga namang ikinahagalpak ng mga naroon.

Aniya, “Thank you po kasi gusto niyo pa rin ako, kahit lahat sila inayawan ako. Kahit siya, pinagpalit ako, sa inyo gusto niyo ako at pinipili niyo ako.

“Salamat talaga. Sana huwag kayo magsawa. Gagalingan ko para hindi niyo ako ipagpalit. Baka hindi ko nagalingan noong mga huli, kaya gano’n ang nangyari. Ito na po ‘yung mamahalin ko talaga. Magsisipag na po ako. Gagalingan ko, promise.”

Of course, sino pa ba ang tinutukoy ni Angelica na nang-iwan sa kanya kundi ang ex-boyfriend niyang si John Lloyd Cruz na balitang dyowa na ngayon ni Ellen Adarna.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending