Yassi negang-nega sa mga nakatutok sa 'Ang Probinsyano' | Bandera

Yassi negang-nega sa mga nakatutok sa ‘Ang Probinsyano’

Cristy Fermin |March 01,2018
facebook
share this

Yassi negang-nega sa mga nakatutok sa ‘Ang Probinsyano’

Cristy Fermin - March 01, 2018 - 12:01 AM

YASSI PRESSMAN AT COCO MARTIN

TAWA kami nang tawa sa mga reaksiyong tinatanggap namin ngayon tungkol sa papel na ginagampanan ni Yassi Pressman sa Ang Probinsyano. Negatibo ang mga komento, pero positibo, dahil sa kabila ng kanilang pagpuna ay patuloy pa rin nilang sinusubaybayan ang seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin.

Nagbago na kasi ang ikot ng mundo ni Alyanna, ang misis ni Ricardo Dalisay, hindi na sa kanyang mister lang nakapako ang kanyang atensiyon ngayon.

Sabi ni Sonia, ang anak-anakan naming becking designer, “Ano ba naman ‘yang si Alyanna? Para naman sa napatay nilang anak ni Dalisay ang dahilan ng paglayo ng mister niya, pero ayan, bumigay na siya!

“Nakikipaglandian na siya sa boss niya! Tama bang hindi lang sila nagkikita ng asawa niya, e, pumatol na siya sa ibang lalaki?” inis na inis na komento ni Kumareng Sonia.

Ang boss ni Alyanna na tinutukoy nito ay si JC Santos, ang kaagaw ni Dalisay sa puso ng aktres, na ang galing-galing ding umarte.

Ang isa sa mga dahilan kung bakit umaabot na halos ngayon sa kanyang ikatlong taon ang serye ay ang reaksiyon ng manonood sa daloy ng kuwento. Apektado ang bayan ni Juan sa mga nagsasanga-sangang istorya ng Ang Probinsyano.

“Saka punumpuno ng action, hindi ka maiinip sa panonood, hitik na hitik kasi sa bakbakan ang serye. Ang mga boys ko nga, kapag malapit na ang Ang Probinsyano, e, hindi mo na makakausap!

“Sasabihin na nila, ‘O, Cardo na! Sarado na ang negosyo! Ganu’n kalakas sa mga kalalakihan ang series ni Coco Martin!

“No wonder, kahit paikut-ikot lang ang kuwento, e, tutok pa rin ang manonood sa kanila!” papuri pa ni Sonia sa paborito nitong serye ng ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending