Dingdong balik sa pag-aaral, naghahanda na sa 2019 elections? | Bandera

Dingdong balik sa pag-aaral, naghahanda na sa 2019 elections?

Jun Nardo |February 28,2018
facebook
share this

Dingdong balik sa pag-aaral, naghahanda na sa 2019 elections?

Jun Nardo - February 28, 2018 - 12:20 AM

DINGDONG DANTES, BABY ZIA AT MARIAN RIVERA

Speaking of Marian, bagong biyaya na naman ang dumating sa kanya nang kunin sila ni Dingdong Dantes para maging bagong celebrity endorsers ng Cignal Prepaid, ang nangungunang Pay TV provider sa bansa.

Ginanap ang contract signing nina Dong at Yan last Monday sa Solaire. Para kay Dong, malaking bahagi ang telebisyon sa career nila ni Marian lalo na kanilang pagmamahalan na sa TV nagsimula.

“In full circle ang nangyari sa amin dahil sa TV significant ang telebisyon sa aming dalawa. Ang panonood din ng TV ang lagi naming bonding kapag bakante kami sa trabaho. So I am very grateful at kami ang kinuha nilang celebrity endorsers,” pahayag ni Dong.

Kahit aabot na sa 108 channels na puwedeng panooran sa Cignal TV ngayon, limitado naman ang oras ng panonood nila ng TV kapag kasama ang anak nilang si Zia.

Dapat daw ay tulog na ang bata between 8:30 p.m. to 9 p.m. kaya sila na lang ni Dong ang magkasamang nanonood.

Sa pagiging celebrity endorsers ng mag-asawa, lalong pinaganda ang Cignal Prepaid dahil meron na itong mas murang prepaid kit pricing.

Sa panonood nga lang ng TV ng mag-asawa, si Zia ang may hawak ng remote control hanggang gising pa ang bagets, huh!

Samantala, nag-aaral din pala ngayon sa UP ng Public Administration si Dingdong pero hindi niya diretsong sinabi kung ito ba’y paghahanda na sa pagsabak niya sa 2019 elections.

Aniya, “I’ve been in the community for the past eight years. Isang bagay talaga na hindi dapat mawawala. So, siyempre, they also deserve better service from our NGO.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending