Paolo nagpakalalaki sa 'Amnesia Love', binigyan ng ibang mukha ang mga beki | Bandera

Paolo nagpakalalaki sa ‘Amnesia Love’, binigyan ng ibang mukha ang mga beki

|February 28,2018
facebook
share this

Paolo nagpakalalaki sa ‘Amnesia Love’, binigyan ng ibang mukha ang mga beki

- February 28, 2018 - 12:01 AM


NAGPAKALALAKI talaga ang TV host-comedian na si Paolo Ballesteros sa latest offering ng Viva Films na “Amnesia Love”.

Napanood na namin ang bagong movie ni Paolo sa ginanap na celebrity screening/premiere night nitong nakaraang Lunes ng gabi sa SM Megamall Cinema 7.

In fairness, nag-enjoy naman kami sa kakaibang kuwento ng “Amnesia Love” na idinirek ni Albert Langitan

Ginagampanan ni Paolo ang makulay na karakter ni Kimmer Lou, isang sikat na sikat na gay social media influencer/fashion blogger na biglang napadpad sa isang isla matapos maaksidente at malunod habang nangunguha ng wildflower.

Nang magkamalay, nalaman niyang iniligtas siya ng ilang bata sa nasabing isla na matatagpuan sa Zambales at kinupkop ng barangay captain sa lugar at ng asawa nito na ginagampanan naman nina Lander Vera-Perez at Maricel Morales.

Ngunit ang twist ng kuwento, hindi na niya maalala kung sino siya at nakalimutan din niyang isa siyang sikat na sikat na bading.

Bago siya maaksidente, engaged na siya sa kanyang long time boyfriend na si Macky (Polo Ravales) at malapit na silang ikasal.

Ngunit bigla ngang magbabago ang takbo ng kanyang buhay nang mapadpad siya sa malayong probinsya at maging instant “superstar” doon. Hanggang sa makilala niya si Doray (Yam Concepcion) na unti-unti ring napamahal sa kanya.

Paano haharapin ni Kimmer Lou ang mga bagong hamon sa kanyang buhay ngayong babae na ang karelasyon niya? At ano ang gagawin niya kapag nalaman niyang nabuntis niya si Doray? At mas lalo siyang maloloka kapag nagkaharap na ang dalawa niyang dyowa.

At pwede nga bang makalimutan ng isang beki na bakla siya kapag nagkaroon siya ng amnesia?

In fairness, nakakatawa at nakakaaliw ang “Amnesia Love”, lalo na ang halikan at love scene nina Paolo at Yam sa buhanginan, pati na rin ang kissing scene nila ni Polo Ravales (na ang galing-galing din palang gumanap na bading).

Pero ang talagang nakapagpatawa sa amin nang bonggang-bongga ay ang mga eksena ni Vandolph sa movie na gumaganap na maangas at mayabang na manliligaw ni Yam. Laugh kami nang laugh sa mga hirit at punchline ni Vandolph, lalo na sa inuman showdown nila ni Paolo.

Sabi nga ng ilang nanood sa premiere night, biglang nabuhay ang Comedy King na si Dolphy sa katauhan ni Vandolph.

Ang isa pang agaw-eksena sa pelikula ay ang batang gumanap na BFF ni Paolo. Panalo rin ang mga hirit ng bagets lalo na ang palitan nila ng punchlines ni Paolo. Sana nga binigyan pa siya ng maraming moments dahil talagang nakakatawa ang mga hirit niya sa bawat eksena.

Kasama rin sa “Amnesia Love” sina Geleen Eugenio, Sinon Loresca at marami pang iba. Showing na ito ngayon sa mga sinehan nationwide mula sa Viva Films.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya kung gusto n’yong makalimot sa inyong mga problema kahit sandali lang, watch na kayo ng “Amnesia Love” – pampa-good vibes lang kumbaga sa magulo at challenging na life!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending