Erich mas tanggap ng madlang pipol bilang sexy actress, pero di bastusin | Bandera

Erich mas tanggap ng madlang pipol bilang sexy actress, pero di bastusin

Ambet Nabus |February 27,2018
facebook
share this

Erich mas tanggap ng madlang pipol bilang sexy actress, pero di bastusin

Ambet Nabus - February 27, 2018 - 12:01 AM

NAKAKATUWA naman ang mga fans ni Erich Gonzales.

Very positive nilang tinanggap ang opinyon namin na baka puwedeng panoorin ni Erich at makakuha ng tips kay Jodi Sta. Maria na gumaganap ng dual role sa seryeng Sana Dalawa Ang Puso.

Pinag-usapan namin sa aming DZMM program ang komento ng mga nakakapanood ng serye ni Jodi at ng soap ni Erich na The Blood Sisters kung saan triplets naman ang role ng Kapamilya actress.

Siyempre lamang ang nagsasabing mas magaling umatake ng magkaibang role si Jodi kumpara kay Erich na medyo hirap o halatang nag-e-effort para maiba ang atake ng tatlong karakter niya sa The Blood Sisters.

Marami kasi ang nakakapansing sa laki ng challenge for Erich to step up, nagkakapare-pareho na raw ang nuances at pagsasalita niya kumpara sa napakagaling na pag-atake ni Jodi sa SDAP bilang “kambal”.

Sa totoo lang, mas mahirap yung triplets na iisa ang gumaganap, kesa sa doble, pero du’n nga dapat mas maging proud si Erich. Besides, siya pa ang nasa early evening primetime, sort of saying na mas ipinagkatiwala sa kanya ng ABS-CBN ang timeslot na para sa mga future teleserye queens ng network.

Kaya agree kami sa mga fans and supporters ni Erich na in due time, mabibigyan din niya ng hustisya ang tatlong magkakaibang karakter na kanyang ginagampanan sa serye.

q q q

Nagbiro tuloy kapatid na Ervin ang ilang observers na puwede rin daw na sa mismong gumaganap na nanay niyang si Cherry Pie Picache humingi ng tip si Erich (bukod kay Dina Bonnevie na minsan na ring gumanap ng dual role sa movie).

Kasi nga raw, kung meron mang reyna ngayon ng panghapong series ay si Pie na yun. Napapanood kasi ito sa Asintado bilang mentor ni Julia Montes at sa Blood Sisters nga, bilang nanay ni Erich.

Sa magkaibang soap, very distinct din ang akting ni Cherry Pie. “Ibang-iba, pero ramdam mong mga nanay sila na very supportive,” sey ng isang nagkomento.

q q q

Dapat din namang maging very proud si Erich dahil matagumpay na siya sa mundo ng telebisyon ay winner pa rin siya sa pelikula.

Her recent starrer “The Significant Other” is a certified blockbuster. Marami-rami na ring nagawang movie si Erich, pero mukhang sa sexy film na ito siya nagmarka as a box-office star.

Kahit sinasabi sa mga reviews na “nilamon” siya ni Lovi Poe sa acting, walang nagsasabing hindi siya nakasabay at nagkaroon ng sariling moments.

Ipapaubaya na natin sa mga kalalakihan ang paghusga kung sino sa kanila ni Lovi ang mas daring at mas palaban sa sex scenes.

Ang leading man kasi nilang si Tom Rodriguez ay wala namang gustong piliin dahil pareho raw silang magaling. Ha-hahahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

As we write this, tumatabo pa rin sa takilya ang R-13 movie na ito. An insider told us na lumampas na ito sa P10 million peso mark after five days at inaasahang maaabot pa nito ang P50 million mark sa mga susunod na araw.

Showing pa rin ito sa mahigit 100 theaters nationwide mula sa Cineko Productions and distributed by Star Cinema, under direk Joel Lamangan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending