Pahabol na V-date: Angel, Neil sweet na sweet sa Japan | Bandera

Pahabol na V-date: Angel, Neil sweet na sweet sa Japan

|February 27,2018
facebook
share this

Pahabol na V-date: Angel, Neil sweet na sweet sa Japan

- February 27, 2018 - 12:30 AM

Larawan mula sa Instagram/ @neil_arce

MULING pinakilig nina Angel Locsin at Neil Arce ang kanilang social media followers sa mga bagong litrato na kanilang ipinost sa Instagram na kuha sa Japan.

Nasa Kyoto, Japan ang magdyowa para sa ilang araw na bakasyon. Ayon sa ilang malalapit na kaibigan nina Neil at Angel, ito na ang post-Valentine gift ng producer sa dyowang aktres.

Kahapon kumalat ang mga litrato nila sa social media kung saan makikita ang kanilang sweet bonding moments. Very obvious na talagang enjoy na enjoy sila sa piling ng isa’t isa habang namamasyal sa magagandang tourist spots sa Japan.

Ilan sa mga litrato na nasa Instagram ay kuha sa isang ramen shop kung saan kasama rin nila ang ilang friends ni Neil. Inggit na inggit naman ang mga followers ng dalawa sa kanilang post-Valentine celebration. Sabi pa nga ng isang fan ni Angel, reynang-reyna ang turing sa kanya ni Neil kaya sana’y sila na nga talaga ang itinakda!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending