Richard naguguluhan kung saan pakakasalan si Sarah | Bandera

Richard naguguluhan kung saan pakakasalan si Sarah

Julie Bonifacio |February 26,2018
facebook
share this

Richard naguguluhan kung saan pakakasalan si Sarah

Julie Bonifacio - February 26, 2018 - 12:10 AM

EXCITED na si Richard Gutierrez sa paglabas ng second baby nila ni Sarah Lahbati. Next month ang due ni Sarah to deliver the baby and as early as now ay may naisip na silang pangalan for the baby.

“Kai, si Sarah na lang ang mag-explain sa name,” sabi ni Richard sa farewell presscon ng top-rating primetime serye ng ABS-CBN, ang La Luna Sangre: The Apocalypse.

Feeling ni Richard mas malikot si Kai kaysa sa panganay nila na si Zion. Sobrang likot daw kasi ng baby sa loob ng tiyan ni Sarah. Si Kai ang reason kaya naisang-tabi muna nina Chard at Sarah ang kanilang wedding this year.

“Oo, and then, siyempre, ang main focus namin ngayon is the baby to come out next month. Zion’s gonna have his birthday. After that, napapag-usapan na namin ‘yung wedding. May mga plano na kami. Pero ‘yung focus namin nasa baby pa. Medyo na-delay ng konti, hopefully soon,” paliwanag ni Richard.

Tuloy pa rin daw ang mga nauna nilang wedding plans except sa venue. Uso kasi among local celebs na nagpapakasal sa ibang bansa.

“Oo nga, masarap din ‘yung ganoon. Pinag-iisipan namin. Pero may opinion ang parents namin. Marami rin silang gustong imbitahan. So, ngayon, pinaplano namin kung dito or abroad. We’ll see,” lahad niya.

But definitely, dito raw sa Pilipinas isisilang ni Sarah si Kai unlike his Kuya Zion na sa Switzerland ipinanganak.

As a parent, masasabi raw niya na isa siyang makulit na tatay kay Zion. Aminado siya na mas disciplinarian si Sarah kesa sa kanya pagdating sa anak nila, “Mabaiti naman si Zion, e. Nakikinig naman siya kapag alam niyang may mali siyang ginawa.”

Never pa raw niya napalo si Zion. Hindi raw kasi siya naniniwala sa ganitong pamamaraan nang pagdidisiplina sa bata.

q q q

Agaw-pansin ang Kapuso talent na si Sinon Loresca sa “Bilbiling Mandaluyong 2018” pageant kamakailan. Kabilang sa panel of judges ang tinaguriang “King of Catwalk”.

Maging si Mandaluyong Cong. Queenie Gonzales ay ‘di napigilang magpapiktyur sa kanya during the event, huh! Si Cong. Queenie ay misis ni ex-Rep. Neptali “Boyet” Gonzales II.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod kay Sinon, naging hurado rin sina Boobsie Wonderland, Kai Cortes, Bong Regala, ang magdyowang Ricardo Cepeda at Marina Benipayo, P/Supt. Moises Villaceran at Arlene Muhlach. And of course, present din that night ang maganda at butihing Mayor ng Mandaluyong na si Menchie Abalos.

Kinoronahan bilang Miss Mandaluyong 2018 si Acy Lopez na taga-Brgy. Buayang Bato, first runner-up si Darling Bautista (Brgy. Plainview), second naman si Liah Gomez (Brgy. Barangka Ilaya), third runner-up si Jen Bayoda (Brgy. Poblacion) at ang fourth runner-up ay si Tine Griarte (Brgy. Hulo).
Congrats!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending