Sigaw ng bashers: Angelica, Carlo desperado na, naggagamitan lang | Bandera

Sigaw ng bashers: Angelica, Carlo desperado na, naggagamitan lang

Alex Brosas |February 26,2018
facebook
share this

Sigaw ng bashers: Angelica, Carlo desperado na, naggagamitan lang

Alex Brosas - February 26, 2018 - 12:05 AM

ANGELICA PANGANIBAN AT CARLO AQUINO

CARLO Aquino surprised Angelica Panganiban sa kanyang pag-apir sa book launch ng Hugot Queen.

Although maraming kinilig sa ex-couple, mas marami ang nam-bash. For the bashers, naggagamitan lang ang dalawa.

“Desperado’t desperada.”

“True. Si Angge desperate na magpapansin for endorsement kasi wala zero siya. Si Carlo desperate na sumikat kasi never naman.”

“Reunion ng mga laos. Hahahaha.”

“Excuse me? Hindi laos si Carlo dahil hindi naman siya sumikat. Si Angelica sikat lang sa pagiging bully at palengkera.”

‘Yan ang hanash ng bashers na pinalagan ng dalawang fans.

“Kung sa pag aartista lang madami nang napatunayan sina Carlo at Angelica mula noong bata pa sila. Mas importante na may staying power ka kesa sa sikat ka.

“Feeling ko naman bilang friends sila, tinutulungan ni Carlo na makabangon at sumaya uli c Angge. Imbis na durugin pa c angelica bat d nalang natin i-empower ang kapwa natin babae diba?” said one faney.

q q q

Marami ang kinilig sa post ni Jolo Revilla ng photo ni Jodi Sta. Maria.

“Ang ganda talaga ng asawa ko! Happy 81st month sa ating dalawa!?” ‘Yan ang caption ni Jolo na talaga namang ikinakilig ng maraming fans.

“Nakasal naba sila? Both are swerte sa isat isa? Ready ng maging first lady ng Cavite si Jodi kya todo aral siya ng Psychology, sana silang dalawa na hanggang end.”

“Petmalu talaga si Lodi! Maganda na matalino pa.”

“Kasal na kayo Edi wow sabaw! Kailan Pa! Bagay naman kayo eh!”

Samantala, sa Sana Dalawa Ang Puso ay nasaraduhan ng pinto sa rooftop ng building si Lisa (Jodi) kasama si Leo Tabayoyong (Robin Padilla). Inubo si Lisa at biglang umulan. Sinabi niya kay Leo na kapag inuubo siya ay talagang umuulan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bilang gentleman, pinahiram ni Leo ang kanyang panyo kay Lisa. Ipinagamit niya rin ang hard hat na kanyang suot para ‘di maulanan sa ulo ang dalaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending