Glaiza ipaglalaban ang Babae Power sa 'Contessa' ng GMA | Bandera

Glaiza ipaglalaban ang Babae Power sa ‘Contessa’ ng GMA

|February 26,2018
facebook
share this

Glaiza ipaglalaban ang Babae Power sa ‘Contessa’ ng GMA

- February 26, 2018 - 12:30 AM

PALABAN at walang labang inuurungan ang magiging karakter ni Glaiza de Castro sa upcoming Afternoon Prime series ng GMA na Contessa.

Bukod sa nakakaintrigang kwento nito, marami ring hatid na aral ang programa lalo na tungkol sa women empowerment.

“Nagsimula kasi siya na malinis naman ‘yung intention niya, eh. Gusto niya lang mabuhay nang payapa. Gusto niya lang makatulong sa pamilya niya pero may mga bagay talaga at may mga tao na hahadlang para magawa niya o para makamit niya iyon,” kwento ni Glaiza.

Nakatatak na sa imahe ni Glaiza ang advocacy na “Babae Power” kaya naman sa kanya talaga ipinagkatiwala ng GMA ang makabuluhang project na ito. Ngayon pa lang ay marami nang naku-curious sa kwento ng Contessa kaya siguradong may bago na namang tututukan ang manonood tuwing hapon.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending