KZ pasok pa rin sa Top 4 ng Singer 2018: Akala ko laglag na 'ko! | Bandera

KZ pasok pa rin sa Top 4 ng Singer 2018: Akala ko laglag na ‘ko!

Ervin Santiago |February 25,2018
facebook
share this

KZ pasok pa rin sa Top 4 ng Singer 2018: Akala ko laglag na ‘ko!

Ervin Santiago - February 25, 2018 - 12:15 AM

Larawan mula sa Instagram account ni KZ Tandingan @kztandingan

TULOY-TULOY pa rin ang pagpapakitang-gilas ni KZ Tandingan sa pinakasikat na singing reality search sa China, ang Singer 2018.

Muling pinabilib ng Soul Supreme ang mga audience at viewers ng nasabing contest sa ikatlong performance niya with her rendition of “Say Something,” na isa sa mga kinanta niya nu’ng mag-audition siya sa tinaguriang China’s biggest singing contest.

Ayon sa kanyang management company, ang Cornerstone, ang kakantahin sana niya sa 7th episode ng Singer 2018 ay “Come Together” with a new musical arrangement. Pero bigla itong pinabago ng HBS (producer ng show) dahil hindi raw masyadong pamilyar ang mga Chinese sa nasabing kanta.

Mas okay daw muna ang “Say Something” ang kanyang kakantahin dahil ito ang nagmarka sa mga judge noong mag-audition siya. Pumayag naman si KZ pero inamin niyang na-stress daw siya nang bonggang-bongga.

Nakasama ni KZ on stage ang kanyang gitaristang si Macoy Portado, “We had to fly Macoy also last minute for this and she only got to rehearse this song on the day of the recording,” ayon sa isang staff ng Cornerstone.

Sa kabila ng biglaang pagbabago sa diskarte ni KZ, nanatili pa rin sa top 4 ang Pinay singer, ibig sabihin tuloy lang ang kanyang laban sa Singer 2018. Sila na lang ng UK superstar at idol niyany si Jessie J ang mga natitirang foreign artists sa competition.

Sa panayam ng ABS-CBN kay KZ, inakala niyang malalaglag na siya sa top 4, “Medyo nagulat! Yung reaction ng mga tao noong nag-Mandarin ako, parang mas maingay, compared doon sa ‘Say Something’ na performance, so feeling ko, ‘Oh my gosh, baka mas mababa sa rank six ‘yung ranking ko.’ Sobrang unpredictable talaga, e.”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending