Kapuso stars susugod sa Baguio para sa Panagbenga | Bandera

Kapuso stars susugod sa Baguio para sa Panagbenga

|February 25,2018
facebook
share this

Kapuso stars susugod sa Baguio para sa Panagbenga

- February 25, 2018 - 12:40 AM

Larawan mula sa Instagram account ni Megan Young @meganbata

NGAYONG araw susugod ang mga bida ng mga seryeng Sherlock Jr., The Stepdaughters at Contessa sa makulay na Panagbenga Float Parade. Magsisimula ang parada ng 7 a.m..

Makakasama ng Sherlock Jr. lead actor na si Ruru Madrid ang co-star niya sa serye na si Matt Evans.

Pakikiligin din ng real life couple at The Stepdaughters lead stars na sina Megan Young at Mikael Daez ang mga Kapuso na susugod sa nasabing flower festival.

Bibida rin sa Kapuso Float ang stars ng upcoming Afternoon Prime soap na sina multi-talented actress Glaiza de Castro at ang kanyang leading man sa serye na si Jak Roberto.

Magkakaroon din ang GMA North Luzon ng live coverage para sa Panagbenga Float Parade simula sa 7 a.m.. Ang Kapuso sa Panagbenga: The Balitang Amianan Special Live Coverage ay pangungunahan ng mga host ng Balitang Amianan na sina CJ Torida, Joanne Ponsoy at Faye Centeno kasama ang Balitang Amianan correspondents na sina Alfie Tulugan, Russel Simorio at Kim Banderlipe.

Tuloy-tuloy lang ang kasiyahan dahil pagpatak ng alas-11 ng umaga, mayroong treat na Kapuso Fiesta ang cast ng Sherlock Jr., The Stepdaughter, at Contessa sa Sunshine Park.

Magsisilbing host naman dito ang The Stepdaughters at Sirkus star na si Sef Cadayona.

Kahapon, nauna nang nakisaya sa selebrasyon ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid para sa ikalawang public auditions ng newest singing competition na The Clash. Nagsimula ang Baguio-leg auditions sa Sunshine Park.

At bilang treat sa mga Kapuso sa Baguio, naghanda rin ang GMA Regional TV ng isang Kapuso Meet and Greet with Regine na ikinatuwa ng kanyang mga fans.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending