Pamangkin ni Ancajas si Mayor Sara Duterte

By Lito delos Reyes February 23,2018
share this

Pamangkin ni Ancajas si Mayor Sara Duterte

By Lito delos Reyes February 23,2018
share this


MAGKAMAG-ANAK sina International Boxing Federation (IBF) world super flyweight champion at Philippine Sportswriters Association (PSA) co-Athlete of the Year awardee na si Jerwin “Pretty Boy” Ancajas at Davao City Mayor Sara Zimmerman Duterte-Carpio.

Ito ang sinabi ni Mayor Sara nang mag-courtesy ang boxing champion sa kanyang opisina kahapon.
“My mother (Elizabeth Zimmerman) is an Ancajas from Padada (Davao del Sur) and Jerwin’s father (Cesar Ancajas) is also from Padada,” sabi ng alkalde.

“Bale cousins kayo ni Mama ko,” sabi ni Mayor Sara kay Ancajas.

Kasama ni Ancajas kahapon si Games and Amusements Board (GAB) Commissioner Mar Masanguid kung saan inabot nila ang boxing gloves na may pirma ni Ancajas kay Mayor Sara.

Nangako naman ng suporta ang butihing mayor kay Ancajas na nagsimula bilang amateur boxer sa edad na siyam noong 2000.

Sa edad na 11 ay nanalo ng una niyang gintong medalya si Ancajas bilang Best Boxer ng 2004 National Youth tournament sa Panabo City. Nagwagi rin siya ng ginto sa 48-kilogram division ng 2008 Palarong Pambansa na ginanap sa Palawan at sa 2008 National Youth Games sa Iloilo.

Nakatakdang parangalan sa Pebrero 27 sa PSA Awards Night sa Manila Hotel si Ancajas bilang 2017 Athlete of the Year kasama sina Krizziah Lyn Tabora ng bowling at Carlo Biado ng billiards.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending