May forever: Jolo, Jodi mag-asawa na | Bandera

May forever: Jolo, Jodi mag-asawa na

Jun Nardo |February 24,2018
facebook
share this

May forever: Jolo, Jodi mag-asawa na

Jun Nardo - February 24, 2018 - 12:01 AM

JODI STA. MARIA AT JOLO REVILLA

ASAWA na talaga ang tawag ni Jolo Revilla kay Jodi Sta. Maria. Ipinangalandakan ng Cavite Governor ang tawag sa girlfriend sa isang post niya sa Instagram.

“Ang ganda talaga ng asawa ko! Happy 81st month sa ating dalawa!” caption ni Jolo sa litrato ni Jodi.

Parehong galing sa failed relationship sina Jolo at Jodi kaya naman ang komento ng followers ng anak ni Sen. Bong Revilla, Jr., pang-forever na ang kanilang relasyon – kasal na lang talaga ang kulang, huh!
q q q

Isinasapuso ni Yasmien Kurdi ang role niya bilang HIV carrier sa mapapanood na GMA afternoon series na Hindi Ko Kayang Iwan Ka simula sa Lunes.

Aktibo rin kasi ngayon ang Kapuso actress sa pagtulong sa pagpapalaganap ng HIV/AIDS awareness. Tumutulong siya sa “Fit To Love” campaign ng Love Yourself, Inc..

Ayon sa post ni Yas sa kanyang Instagram, isa itong photoshoot campaign for a cause.

Sa halagang P1,000, mabibigyan ng “Fit To Love” T-shirt ang susuporta kasama ang picture.

Kasama ni Yasmien sa litrato ang ilang taong involved sa Love Yourself campaign na walang sawang tumutulong para mas maging aware ang mga Pinoy kung paano makakaiwas sa AIDS.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending