Sikat na young male celeb huli sa akto: May ginagawang milagro sa loob ng CR | Bandera

Sikat na young male celeb huli sa akto: May ginagawang milagro sa loob ng CR

Cristy Fermin |February 23,2018
facebook
share this

Sikat na young male celeb huli sa akto: May ginagawang milagro sa loob ng CR

Cristy Fermin - February 23, 2018 - 12:35 AM

SABI ng isang source, “Kundi mag-iingat ang isang young actor, e, mauuwi ang career niya sa basurahan. Sayang na sayang siya, nakalusot na siya sa laban.”

Ang tinutukoy ng mapagkakatiwalaang source na hindi nanununog at nangunguryente ay ang isang young actor na mukhang nakalimot na napakalaki na ng kanyang pangalan. Lahat ng kilos niya ay binabantayan kaya wala siyang maitatago.

Patuloy pa ng aming impormante, “Sa taping ng isang serye, e, biglang nawala ang young actor.

Hinahanap na siya ng production staff, sasalang na kasi siya sa gagawing eksena.

“Inikot na ng staff ang paligid pero wala siya, nagtanong na rin sila sa mga crew kung nakita ba nila si ____ (pangalan ng sikat na young actor), pero hindi raw.

“Mga CR na lang ang hindi pa nila naiisa-isa, kaya ‘yun ang ginawa nila. maraming CR sa set, kaya kinatok nilang isa-isa ang mga CR. May isang nakasarado, pero walang sumasagot nang katukin.

“Hanggang sa wala nang choice ang nasa loob kundi ang buksan ang pintuan. Nandu’n pala ang hinahanap nilang young actor, parang pagod na pagod, parang may kung anong ginawa.

“Okey lang sana kung pangpersonal na kaligayahan ang ginawa ng young actor, pero hindi, meron siyang ginawa sa loob na kawindang-windang. Hindi kasi maingat ang bagets, may mga naiwanan siyang kagamitan sa loob na dahil siguro sa sobra niyang pagmamadali, e, hindi na niya nailigpit,” napapailing na kuwento ng aming source.

Dati nang nauugnay sa mga hindi kagandahang kuwento ang young actor, pero hanggang pagdududa lang ang pinanghahawakan ng marami, ngayon lang may nakitang pruweba ang produksiyong katrabaho niya.

“Naku, sayang na sayang siya kapag hindi pa siya tumigil sa kalokohan niya. Ang ganda-ganda ng takbo ng career niya, nasa itaas na siya.

“Kailangan na niyang itapon ang bisyong umaagaw sa panahon niya ngayon habang maaga pa, magpakadiretso na siya, sayang na sayang ang career niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Wala akong ibibigay na clue, bigyan pa muna natin siya ng chance na magbago, ang maibibigay ko lang na pagkakakilanlan sa kanya, e, sikat ang loveteam nila ng isang pretty teenstar,” pagtatapos ng aming impormante.

Aysus, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, labu-labo na kayo sa paghula, maramot sa clue ang ating source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending