Ejay pinagbawalang bumalik sa showbiz ang GF na aktres | Bandera

Ejay pinagbawalang bumalik sa showbiz ang GF na aktres

Ervin Santiago |February 23,2018
facebook
share this

Ejay pinagbawalang bumalik sa showbiz ang GF na aktres

Ervin Santiago - February 23, 2018 - 12:20 AM

JANA ROXAS AT EJAY FALCON

PINAGBAWALAN nga ba ni Ejay Falcon na bumalik sa showbiz ang kanyang girlfriend na si Jana Roxas na dating Kapuso actress at produkto ng artista search ng GMA na Starstruck Season 3?

Sa presscon ng The Blood Sisters, inamin ng hunk actor na hangga’t maaari ay ayaw na niyang mag-artista si Jana, baka raw kasi maging kumplikado lang ang takbo ng kanilang relasyon.

“Parang okay na kasi kami, e. Parang nakakatakot na parang sumugal sa mga ganung bagay. Trabaho kasi. Iba naman trabaho talaga ng artista, yung oras, yung time.

“So, pa’no yun? Mamaya, magkaibang trabaho kami, hindi na kami magkikita, magkaibang project,” paliwanag ng isa sa mga leading man ni Erich Gonzales sa Primetime Bida series na The Blood Sisters.

May plano na ba silang magpakasal anytime soon? “Wala, hindi. Wala pa namang ganu’n. Kami naman kasi, ine-enjoy lang namin yung panahon na magkasama kami. Hindi namin itatago kung may plano. Sa ngayon, wala pa talaga. Trabaho lang.”

Samantala, looking forward si Ejay sa mas marami at mas challenging na eksena nila ni Erich sa The Blood Sisters na maituturing ngang reunion project nila after nilang magkasama noon sa Kapamilya afternoon series na Katorse (2009).

Ayon kay Ejay, makalipas ang halos isang dekada, marami nang nagbago kay Erich.

“Ang daming nagbago sa kanya. Sabi ko nga, siyempre yung range ng acting niya ngayon, ibang klase na. Nakaka-challenge, sobrang galing niya talaga. Makikita niyo naman kasi tatlong characters,” ani Ejay na ang tinutukoy ay ang tatlong karakter ni Erich sa TBS.

q

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending