Robi nag-sorry kay Kathryn dahil sa viral video nina Liza at Daniel | Bandera

Robi nag-sorry kay Kathryn dahil sa viral video nina Liza at Daniel

Ervin Santiago |February 22,2018
facebook
share this

Robi nag-sorry kay Kathryn dahil sa viral video nina Liza at Daniel

Ervin Santiago - February 22, 2018 - 12:01 AM


HINDI big deal at walang nakikitang malisya si Kathryn Bernardo sa viral video ng kanyang rumored boyfriend na si Daniel Padilla at Liza Soberano.

Naging kontrobersyal ang nasabing video nang i-upload ito ni Robi Domingo sa social media dahil ikinagalit nga ito ng mga KathNiel at LizQuen fans. Ang video ay kuha mismo ng Robi sa backstage ng ASAP na ayon sa ilang fans ay pambabastos daw kina Kathryn at Enrique Gil na rumored boyfriend naman ni Liza.

Tila tinutukso raw kasi ni Robi sina Liza at DJ sa kumalat na video.

Sa panayam ng mga reporter kay Kathryn sa thankgiving/farewell presscon ng seryeng La Luna Sangre, sinabi nitong tinawagan pa siya ni Robi para humingi ng paumanhin. Aniya, “Hindi nga isyu sa akin yun.

Tumawag sa akin si Robi, nag-sorry siya. Wala siyang masamang intention, and kilala ko si Robi na wala yun.

“Siguro, yun lang ang pagkaka-interpret ng ibang tao. Ang importante naman, okay kaming dalawa, ayun, na-settle. Hindi ko siya masyadong pinansin na issue,” ani Kath.

Tumanggi nang magsalita si Daniel tungkol sa issue at umiling-iling na lang.

Samantala, sa nalalapit na ending ng La Luna Sangre, siguradong mami-miss niya ang lahat ng kanyang katrabaho, “Yung mga tao, yung cast, pati mga staff and crew. Sa set, mas magaan ang feeling sa set, kasi masaya ang lahat. Tapos, halos naging araw-araw ba naman kayo, tapos okay kayong magkakasama. Mami-miss ko silang lahat.”

Sabi naman ni Daniel, kahit na matindi ang hirap na dinanas nila sa LLS ay na-enjoy nila ang kanilang journey sa serye, “Hindi siya kagaya ng movie na mayroon tayong oras eh. Sa serye wala kang oras, dire-diretso yun. Ang sinasabi ko na nakaka-stress pero makakalimutan mo rin yun. Masaya pa rin naman. Nasa mindset mo yun kung paano mo dadalhin.”

Sa nalalapit na pagtutuos ng mga lobo at bampira, manaig kaya ang pagmamahalan nina Malia (Kathryn) at Tristan (Daniel) laban kay Sandrino (Richard Guiterrez)? ‘Yan ang sasagutin sa huling walong gabi ng hit action serye ng ABS-CBN na La Luna Sangre: The Apocalypse.

Patindi na nga nang patindi ang tensyon gabi-gabi matapos matuklasan ni Sandrino ang pagtataksil ni Tristan at pakikipagtulungan pa nito kay Malia. Agad niyang binuweltahan si Tristan at sinaktan ang kapatid nitong si Apple (Maymay Entrata).

Hindi naman natakot si Tristan at kumpyansang magagapi nito ang kapatid, lalo pa at katuwang niya sa laban ang babaeng kanyang pinakamamahal.

Maging sapat kaya ang kanilang pag-ibig at paninindigan para sila ay magtagumpay?

Ang La Luna Sangre ang ikatlong aklat sa Imortal trilogy ng ABS-CBN. Isa ito sa pinakapinapanood na teleserye sa buong bansa gabi-gabi at isa rin sa pinakapinag-uusapan sa social media. Extended din ang experience ng fans online dahil sa “Youtopia” web series sa iWant TV, Moonchasers.ph website, at “La Luna Sangre” filter and game apps.

Huwag palampasin ang nalalabing mga gabi sa La Luna Sangre pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN.

q q q

Pagkatapos ng La Luna Sangre, magbabakasyon lang sandali ang KathNiel at sisimulan na rin nila ang bago nilang pelikula na ididirek ni Cathy Molina.

Kuwento ni Kathryn, “Yung pitching, mangyayari pa siya after Sangre ngayong March. Du’n nila sasabihin sa amin ‘yung story, kung ano ang tatakbuhin. Pero definitely, love story siya.”

At bilang regalo sa kanyang 22nd birthday sa March 26 balak ni Kath na mag-travel kasama ang family at si Daniel, “After nito, gusto kong pumunta sa sanctuary sa Thailand, sa mga elephants, puwede mo sila paliguan. Sana magawa ko yun bago mag-US. Yun ang gusto ko for my birthday talaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tapos US tour, tapos may kaunting break, sasabayan namin yun sa Holy Week. Pag-uwi, mayroon kaming two weeks pa. So, kung magpi-pitch man o kung saan man, sana naman mangyari,” chika pa ng dalaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending