Erich humagulgol sa presscon ng ‘Blood Sisters’ | Bandera

Erich humagulgol sa presscon ng ‘Blood Sisters’

|February 22,2018
facebook
share this

Erich humagulgol sa presscon ng ‘Blood Sisters’

- February 22, 2018 - 12:35 AM

ERICH GONZALES

NAPAHAGULGOL si Erich Gonzales sa thanksgiving presscon ng Dreamscape Entertainment para sa tagumpay ng pilot week ng bagong primetime series na The Blood Sisters.

Hindi napigilan ng dalaga ang maiyak habang nagpapasalamat dahil sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa The Blood Sisters. Pilot episode pa lang ay talagang humataw na sa rating ang programa kaya mas lalong ginanahan sa pagtatrabaho ang buong produksyon.

“Hindi ko alam ang sasabihin ko talaga, siguro puro pasasalamat na lang po. Unang-una thank you po sa tulong ng media, ng mga viewers dahil nagustuhan nila ‘yung serye namin. Napakahirap po ng tatlong karakter na ginagampanan ko pero kapag po nate-text na sa akin yung rating, kapag nababasa ko na ‘yung magagandang reviews, sobrang nawawala lahat ng pagod.

“Salamat din sa buong team ng Blood Sisters, grabe! Bakit parang nakakaiyak? Kasi kayo, e, parang may pa-tribute naman, e,” ang sabi ni Erich na ang tinutukoy ay ang magagandang mensahe at papuri sa kanya ng kanyang mga co-stars sa Blood Sisters, kabilang na nga sina Cherry Pie Picache, Dina Bonnevie, Ejay Falcon at Enchong Dee.

Dito na naiyak si Erich at tuluyan nang humagulgol. Ramdam na ramdam naman ng mga miyembro ng press na nasa mediacon ng serye ang sinserong pagpapasalamat ng dalaga sa tagumpay ng kanilang programa. Hashtag #blessed nga naman talaga ang aktres dahil sa sunud-sunod na blessings sa kanyang buhay.

Nitong nakaraang Martes ay pinuri rin ng bonggang-bongga ang dalaga sa napakagaling na performance niya sa pelikulang “The Significant Other” ng CineKo Productions at Star Cinema kung saan kasama niya sina Tom Rodriguez at Lovi Poe.

Sa The Blood Sisters naman ay agad ngang minahal ng viewers ang tatlo niyang karakter na sina Erika, Carrie at Agatha. Ayon kay Erich, triple ang effort na ginagawa nila para mas lalo pang mapaganda ang kanilang mga eksena, “Madugo lang, kasi sa isang eksena lang dapat paulit-ulit. Pero tulong-tulong naman sa lahat kaya kayang-kaya po.”

Kasama rin sa The Blood Sisters sina AJ Muhlach, Jestoni Alarcon, Tessie Tomas, Pilar Pilapil, Dante Rivero, Ogie Diaz, Ian de Leon, Maika Rivera, Ruby Ruiz, Pamu Pamorada, Alora Sasam at Dindi Gallardo, sa direksyon ni Jojo Saguin.

Gabi-gabing subaybayan ang The Blood Sisters sa ABS-CBN Primetime Bida bago mag-TV Patrol.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending