Lalaki patay sa buwaya | Bandera

Lalaki patay sa buwaya

John Roson |February 21,2018
facebook
share this

Lalaki patay sa buwaya

John Roson - February 21, 2018 - 06:15 PM
Isa na namang tao ang nasawi matapos umanong sagpangin ng buwaya sa katimugang Palawan, ayon sa pulisya. Natagpuan na lang ang mga labi ni Rebente Barkbak Ladja, 37, na katabi pa ng buwaya sa isang kulumpon ng mga bakawan sa Sitio Tokanigalo, Brgy. Catagupan, Balabac, Lunes ng hapon, ayon sa ulat ng MIMAROPA regional police. Sinagpang umano ng buwaya ang lalaki noong Lunes, nang magtungo siya sa ilog para manghuli ng alimango. Nang di makauwi si Ladja nang hapong iyon ay humingi ng saklolo ang kanyang misis sa mga opisyal ng barangay para hanapin ang mister. Sa kanilang paghahanap, natagpuan nilang lumulutang malapit sa mga bakawan at katabi ng buwaya ang isang nahati nang bangkay. Nakilala ang bangkay ni Ladja nang makalapit ang mga opisyal ng barangay, ayon sa ulat. Noon lang Disyembre, isang lalaki rin ang nasawi matapos umanong kagatin ng buwaya sa bayan naman ng Bataraza, doon din sa katimugang Palawan. Nobyembre naman nang mawala ang isang dalagita sa Balabac nang tangayin naman umano ng buwaya. (John Roson) – end -‎

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending