Pay rules sa mga holiday sa Pebrero, sundin ng employers

By Liza Soriano February 21,2018
share this

Pay rules sa mga holiday sa Pebrero, sundin ng employers

By Liza Soriano February 21,2018
share this

NAGPAALALA ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employers sa pribadong sektor na mahigpit na sumunod sa tamang pay rules para sa Pebrero 25, o ang paggunita ng ika-32 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Alinsunod sa Proclamation No. 269 na inilabas ni President Duterte, nag-isyu ang Department of Labor and Employment ng Labor Advisory No. 03 (Series of 2018) na nagtatakda ng tamang pasahod para sa nasabing special non-working holiday.

Itinatakda ng DOLE ang mga sumusunod na panuntunan sa pasahod para sa Pebrero 25, 2018:
Kung ang empleyado ay hindi nagtrabaho, ang patakaran na ‘no work, no pay’ ang dapat gamitin maliban lamang kung may polisiya ang kompanya o collective bargaining agreement (CBA) na nagtatakda ng kabayaran para sa special holidays.

Ang patakaran para sa mga nasabing holidays para sa ginampanang trabaho, dapat bayaran ang empleado ng karagdagang 30% ng kanyang arawang sahod para sa unang walong oras o [(Arawang Sahod x 130%) + COLA].

Habang ang trabahong ginampanan ng mahigit sa walong oras (overtime), siya ay dapat bayaran ng karagdagang 30% ng kanyang orasang kita o [(Orasang kita ng kanyang arawang sahod x 130% x 130% x bilang ng oras na trinabaho)].

Para sa trabahong ginampanan para sa mga nasabing araw na siya ring araw ng pahinga ng empleado, dapat siyang bayaran ng karagdagang 50% ng kanyang arawang kita para sa unang walong oras, o [(Arawang sahod x 150%) + COLA].

Samantalang para sa trabaho na mahigit sa walong oras (overtime) na siya ring araw ng pahinga ng empleado, siya ay dapat bayaran ng karagdagang 30% ng kanyang orasang kita, o [(Orasang kita ng kanyang arawang sahod x 150% x 130% x bilang ng oras na trinabaho)].

Magugunitang naglabas rin ng kaparehong panuntunan ang Kagawaran ng Paggawa para sa Pebrero 16, o Chinese New Year.

Abegail De Vega/
Paul Ang
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending