Horoscope, February 21, 2018 | Bandera

Horoscope, February 21, 2018

Madam Sophia |February 21,2018
facebook
share this

Horoscope, February 21, 2018

Madam Sophia - February 21, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Mahirap magmintina ng isang wagas na relasyon. Ngunit kung pipiliin mo ang isang nilalang na isinilang sa buwan ng Oktubre, magagawa mo. Sa pinansiyal, sa produktong may kaugnayan sa high tech na kasangkapan at sa butil ka yayaman. Mapalad ang 4, 9, 27, 31, 39 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Kalil-Homa-Japa-Om.” Pink at blue ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Mahirap talagang mawalan ng pera kaya sa sandaling gumanda ang income, matutong mag-savings. Sa pag-ibig, ituloy ang pakikipag-relasyon sa isang Sagittarius. Mapalad ang 3, 12, 27, 32, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Santosha-Yamas-Pranidhana-Om.” Lilac at silver ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Parating na ang suwerte kaya dapat iwasang sumimangot! Kung laging nakangiti, ngingiti rin sa buhay mo ang positibong kapalaran. Sa pag-ibig, may isang naka-white ang palihim na humahanga sa iyo. Mapalad ang 2, 7, 19, 28, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shiva-Om-Durga” Red at black ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Kahit nakakatamad ang panahon, gawing mabilis at may konsentrasyon ang mga bagay na iniisip mo, upang ikaw ay umunlad. Sa pag-ibig, isa isantabi muna ang puso, salapi ang dapat na pahalagahan. Mapalad ang 5, 14, 19, 27, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Om.” Lilac at green ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Kung sadyang nagigipit, hindi masamang humingi ng tulong sa isang kaibigang Scorpio. Sa pag-ibig, sabihin sa kasuyo ang iyong mga dinadalang problema, malaki ang maitutulong nito upang gumaang ang iyong pakiramdam. Mapalad ang 2, 7, 15, 22, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Trik-Padha-Vik-Bhuti-Om.” Maroon at blue ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Ang likas na kagandahan ang aakit ng positibong kapalaran. Panatiliin ang pagsusuot ng kulay na violet, red at dilaw. Sa pag-ibig, higit na nakakikilig ang susunod na pagniig. Sa pinansiyal, biglang magbabayad ang isang dating may utang. Mapalad ang 4, 12, 27, 36, 42 at 47. Mahigawa mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Om.”

Virgo – (August 23 – September 22) — Sa araw na ito ay may sopresang matatanggap, na sobrang ikagagalak ng iyong puso. Sa pag-ibig, mamayang gabi, may masarap na romansang mararanasan. Sa pinansiyal, malaking halaga ng salapi ang mahahawakan. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 42 at 49. Mahiwagang mantra: “Graha-Dosya-Om.” Red at pink ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Upang lalo pang suwertehin sa buhay, mag-alaga ng kahit na anong uri ng hayop at puwede ring mga halaman. Sa pag-ibig, regaluhan ang kasuyo ng isang halamang maaari nyang ilagay sa kanyang silid, upang lagi ka nyang maalala. Mapalad ang 6, 15, 23, 26, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Naikarma-Nirguna-Om.” Royal blue at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Baguhin ang style ng iyong buhok. Sa mahabang buhok susuwertehin ka na sa pag-ibig at pinansyal. Kung carry mo, maglagay na rin ng kapirasong tattoo sa dibdib. Mapalad ang 3, 18, 21, 27, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Arham-Nama-Jnana-Om.” Magenta at pink ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Tama ang naisip mong maglakbay. Sa ibayong dagat ay may magandang kapalarang naghihintay. Sa pag-ibig, sa abroad mo makikilala ang iyong true love. Mapalad ang 1, 4, 13, 22, 28, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Saguna-Satura-Sahatma-Om.” Purple at gold ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Wag maghintay ng suwerte sa sinilangang bayan. Sa malayong pook mo matatagpuan ang magandang kapalaran. Sa pag-ibig, habang naghahanap buhay mami-meet mo na ang iyong true love at kapag kayo ay nagkatagpo, magsisimula na rin ang iyong pagyaman. Mapalad ang 1, 19, 24, 39, 42 at 47. Mahiwagang mong mantra: “Aum-Jai-Shari-Om.” Red at maroon ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa pag-ibig, makuntento na sa kasalukuyang minamahal at wag nang isipin pa ang nakaraan. Sa pinansiyal, mag-invest sa mga produktong may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 4, 17, 18, 25, 33, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Violet at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Upang yumaman, magpataba ka! Ang mga taong may bilugang pagmumukha at bilugang pangangataan ang yumayaman. Sa pag-ibig, kapag nakapangasawa ka ng mataba, magsisimula ka nang umunlad at yumaman. Mapalad ang 2, 7, 19, 27, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Krisna-Rama-Rama.” Green at yellow ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending