Angelica, hugot pa more: Bakit ba lagi na lang akong nasasaktan at umiiyak? | Bandera

Angelica, hugot pa more: Bakit ba lagi na lang akong nasasaktan at umiiyak?

Ervin Santiago |February 21,2018
facebook
share this

Angelica, hugot pa more: Bakit ba lagi na lang akong nasasaktan at umiiyak?

Ervin Santiago - February 21, 2018 - 12:55 AM

ANGELICA PANGANIBAN

MARAMI na namang naka-relate sa mga bagong hugot ni Angelica Panganiban tungkol sa mga taong lagi na lang nasasaktan pagdating sa usaping pag-ibig.

Pinatunayan uli ng Kapamilya actress ang pagiging “Hugot Queen” nang umapir siya sa major concert ni Moira dela Torre sa Kia Theatre kamakailan. Dito nagpakitang-gilas ang dalaga sa usung-uso ngayong “spoken word poetry”.

“Bakit ako laging nasasaktan? Bakit kaya lagi na lang akong umiiyak? Lagi na lang masakit,” ang simulang pahayag ni Angelica.

“Pupwede ka pala nilang tapusin. Pupwede ka palang mamatay. At bukod doon, nakabaon ka na sa sobrang kalungkutan.

“Pag buo mo na lahat nang nasira sa’yo at dahan-dahan dun mo tatapusin ang kahirapan. Dun mo tatapusin ang maawa sa sarili mo. Dun ka lalaban. Dun mo iiwan ang pagiging duwag. Iwan mo sa mga naging duwag mahalin ka. At dahan-dahan mapapalitan ang lahat ng ‘bakit’ ng pasasalamat,” pagpapatuloy ng aktres.

Ito naman ang huling bahagi ng kanyang hugot moment na nagbibigay pa rin ng pag-asa sa mga nasawi sa pag-ibig, “Makikita mong hinahanda ka na pala ni Bathala para sa nakatadhana. Para sa mas matibay na ikaw. Mas matapang para sa bagong buhay, bagong pagmamahal, bagong ikaw.”

Isa si Angelica sa mga producer ng concert ni Moira, kasama sina Sam Milby at John Prats para sa kanilang Bright Bulb Productions.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending