Sharon sa bastos na basher: May tama sa utak, ugok! | Bandera

Sharon sa bastos na basher: May tama sa utak, ugok!

Ervin Santiago |February 21,2018
facebook
share this

Sharon sa bastos na basher: May tama sa utak, ugok!

Ervin Santiago - February 21, 2018 - 12:30 AM

SHARON CUNETA

NA-BAD trip si Megastar Sharon Cuneta sa isang hater na nagkomento nang negatibo sa mga ipinost niyang photo sa kanyang social media account.

Limang litrato ng pila ang ibinahagi niya sa kanyang mga followers kung saan mamimili ang mga gustong kumain sa food chain na ineendorso nila ng kanyang ex-husband na si Gabby Concepcion.

Nilagyan niya ito ng caption na: “Y para ti, entonces, ¿a qué línea vamos? (At para sa yo, anong linya pupuntahan natin?) Swipe left.”

Puro pampa-good vibes ang karamihan sa mga netizens na nag-post ng kanilang sagot sa FB photo ni Sharon kaya naman nagpahayag ang aktres ng katu-waan at pagka-kilig.

Pero may isang basher ngang biglang nambasag sa mga photo ni Mega at nagkomento ng negatibo.

Ayon sa ilang mga nakabasa nito bastos at walang modo ang nasabing netizen na nais lang mang-asar at mangnega kay Mega.

Hindi na makikita sa post ni Sharon ang comment ng basher dahil binura na rin ito agad. Pero hindi ito pinalagpas ng Megastar, talagang niresbakan niya ang hater.

Mensahe ni Sharon, “Dapat pagawa tayo pila ng mga may tama sa utak. Para sa mga mema na nakakasingit dito.

“Kala makaka-bad trip siya ng milyong-milyong masaya dahil sa TVC! Hahaha. Ugok.”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending