Maymay: Mahal ko si Kisses, kung sisiraan n'yo ang mahal ko, masasaktan din ako! | Bandera

Maymay: Mahal ko si Kisses, kung sisiraan n’yo ang mahal ko, masasaktan din ako!

|February 20,2018
facebook
share this

Maymay: Mahal ko si Kisses, kung sisiraan n’yo ang mahal ko, masasaktan din ako!

- February 20, 2018 - 12:20 AM


INAMIN ng magkaibigang Maymay Entrata at Kisses Delavin na totoong may mga pagkakataon na nagkakatampuhan din sila tulad ng ibang mga mag-BFF.

Panahon ang isa sa mga rason kung bakit nagkakaroon sila ng hindi pagkakaintindihan dahil na rin sa kanilang super busy schedule. Pagkalabas na pagkalabas kasi nila mula sa PBB house ay sunud-sunod na ang trabaho nila.

Sa guesting ng dalawang Kapamilya youngstars sa Gandang Gabi Vice last Sunday, sinabi nilang para rin silang magdyowa pag nagkakaroon ng tampuhan.

“Mommy Vice, honestly hindi mo maiiwasan yung tampuhan. So yung mga tampuhan na yun, I think it’s what keeps the friendship stronger kasi kung hindi ka nagtatampo, love mo ba talaga yung tao?” ani Kisses.

Sa tanong kung ano ang madlas na rason ng kanilang tampuhan, sagot ni Maymay, “Wala kasi kaming time Ma’am, para kaming magjowa nga! Ha-hahaha! Kung sino sa amin ang madalas magtampo? Basta sa aming dalawa ako ang lalaki!” Singit naman ni Kisses, “Ako po talaga yung matampuhin.”

Kadalasan ang hindi pagte-text ni Maymay ang ikinaiinis ni Kisses, “Kasalanan ko naman talaga po, kasi wala nga po akong time nga po,” ani Maymay.

Naiintindihan na rin daw ni Kisses ngayon na hindi sa lahat ng oras ay kailangang magkasama sila, “Kasi she has her own group of friends and I also found my own. Basta ang important, we make sure to spend quality time together.”

Narito naman ang message ni Maymay sa kaibigan, “Masasabi ko sa iyo na mahal kita. Malayo man tayo, may pagkukulang man ako. Lalo na sa oras, lagi mong tatandaan na mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa iyo.”

Ito naman ang sagot ni Kisses, “Pag nakikita kita I always wish na, sana ganyan ka laging nakangiti and sana you will never live a day feeling that you’re not beautiful kasi you’re so beautiful. And sana one day, sana someone will love you like you love me and I love you.”

May mensahe rin si Maymay para sa kanyang fans na hindi pa rin tanggap si Kisses bilang kanyang kaibigan, “Mahal ko si Kisses, at kung sisiraan niyo ang mahal ko, masasaktan din ako.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending