Talakerang ina ni aktres malapit nang sugurin ng nanay ni aktor | Bandera

Talakerang ina ni aktres malapit nang sugurin ng nanay ni aktor

Cristy Fermin |February 20,2018
facebook
share this

Talakerang ina ni aktres malapit nang sugurin ng nanay ni aktor

Cristy Fermin - February 20, 2018 - 12:15 AM


SA isang malaking umpukan ng mga taga-showbiz ay pinagtatakahan ng tropa kung bakit nananatiling tahimik ang ina ng isang young actor na palaging pinariringgan ng ina ng kanyang girlfriend.

Kilala kasing matapang at palaban ang ina ng aktor, hindi siya nananahimik lalo na kapag nasa tama siya, pero sa pagkakataong ito ay walang anumang sinasabi ang ina ng young actor sa mga parinig ng ina ng young actress.

Kuwento ng aming source, “Hindi siya ‘yan, malayung-malayo sa character niya ang pagiging tahimik. Talagang hindi siya ‘yan. Kung kilala nga namin siya, e, siguradong sinugod na niya ang mommy ng girlfriend ng anak niya!

“Huwag na huwag siyang pupunuin ng babaeng ‘yun dahil isang araw, e, baka magulantang na lang siya. Hindi siya sasagutin ng balae niyang hilaw sa social media, susugurin siya!

Ibang klaseng magalit ‘yun, lalo na kapag ang mga anak na niya ang kinakawawa! Hindi siya makapapayag sa ganu’n, hindi niya pinapalaki ang mga anak niya para lang lait-laitin ng kung sino d’yan!

“At take note, mag-isa na lang siyang kasama ng mga anak niya ngayon, wala na siyang ibang maaasahan, kaya bumilang lang tayo nang ilang panahon pa dahil siguradong susugurin na niya ang babaeng naninira sa anak niya!” madiing kuwento ng aming source.

Siguro raw ay pinakikiusapan lang siya ng kanyang binata na magpasensiya na lang, huwag na lang niyang pansinin ang malditang babae, dahil mukhang marami itong sama ng loob sa buhay.

“Sana nga, e, pakinggan pa rin niya ang request ng anak niya! E, paano kapag napuno na siya at hindi na niya kayang tanggapin ang mga pasaring ng mommy ng GF ng anak niya?

“Nakakaloka naman kasi ang babaeng ‘yun! Kung matindi man ang galit niya sa anak niya, e, bakit hindi sila mag-usap nang personal? Kaso, sa social media niya pinadadaan ang galit niya sa anak niya! Tama ba ‘yun?

“Nakakahiya ang mga ginagawa niya, kaya maghintay lang tayo, baka isang araw, e, may sumugod na sa kanya para magpatapon sa kanya sa Saigon!

“Mismo! Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kilalang-kilala n’yo kung sinu-sino ang casting sa kuwentong ito!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending