Tito Sen ikinumpara sa 'sinigang na baka' ang 49 taon relasyon kay Helen Gamboa: Kumpleto na! | Bandera

Tito Sen ikinumpara sa ‘sinigang na baka’ ang 49 taon relasyon kay Helen Gamboa: Kumpleto na!

Ervin Santiago |February 20,2018
facebook
share this

Tito Sen ikinumpara sa ‘sinigang na baka’ ang 49 taon relasyon kay Helen Gamboa: Kumpleto na!

Ervin Santiago - February 20, 2018 - 12:20 AM

KUNG may isang celebrity couple ang nagsisilbing inspirasyon at “petmalu lodi” sa mga mag-asawang nasa showbiz, ‘yan ay walang iba kundi sina Sen. Tito Sotto at Ms. Helen Gamboa.

Marami ang nagsasabi na mahirap magkaroon ng isang masaya at long-lasting na relasyon sa magulong mundo ng showbiz at pulitika, pero pinatunayan nina Tito Sen at Ms. Helen na ito’y posible.

Ngayong darating na Setyembre ay magdiriwang na ng ika-49 wedding anniversary ang Senador at ang kanyang maybahay. Ayon nga sa TV host-comedian-politician, hindi niya namalayan na halos limang dekada na ang kanilang pagsasama.

“We still laugh together, we enjoy doing things together at sa tingin ko, we are both aging pretty well. Binigyan ako ng Panginoon ng regalo kay Helen,” sabi ni Tito Sen.

Ang love story ng senador at ng award-winning veteran actress ay nagsimula noong 1967. Isa siyang beauty queen/movie star samantalang isang recording artist at record producer naman ang Eat Bulaga Dabarkads.

Love at first sight na maituturing ng senador ang una nilang pagkikita sa set ng isang pelikulang ginagawa noon ni Helen, “Lowbatt agad ako. Doon pa lang alam ko na, na gusto ko siyang makasama.”

Ngunit hindi siya agad nakapanligaw sa aktres dahil na rin sa istriktong mga magulang nito, “Ang hirap umakyat ng ligaw kasi kasama niya lagi ang mom niya. Umabot pa ng mahigat isang taon bago kami naging magkaroon ng MU (mutual understanding),” kuwento ng Senador.

Noong Setyembre, 1969, nagdesisyon ang dalawa na mag tanan at magpakasal ng pasikreto sa Sto. Tomas, Batangas. Ang plano ay magpapakasal muna sila at ibabalik din si Helen sa bahay ng kanyang mga magulang bago mag-umaga.

Ngunit late na nang makabalik sila ng Maynila kaya kinailangan pang humingi ng tulong mula sa dating Pasay City Mayor Pablo Cuneta at ang maybahay nitong si Elaine, na kapatid ni Helen.

“After ng kasal namin, doon pa lang ako pinayagan na bumisita sa kanya at umakyat ng ligaw. Bibisitahin ko siya three times a week. Hindi pa kami tumuloy sa isang bahay until our January 2, 1971 wedding, na 14 months pa after ng nauna naming kasal sa Batangas,” saad pa ni Tito Sen.

q q q

Ayon sa TV host-comedian, sa loob ng 49 years, hindi nagbago ang pagmamahal at dedikasyon niya para kay Helen. Dagdag nito na ang kaligayahan ng kanyang asawa ang laging mauuna.

Ngunit tulad ng ibang relasyon, nagkaroon din sila ng mga ups and downs. Saad ng senador na kailangan ng hard work para magkaroon ng matatag na pagsasama at ang pagkakaroon ng bukas na isip at mahabang pang-unawa.

“Always go for the give and take but it’s better kung mas magiging maunawain ang lalake kesa sa babae. Dapat magbigay dapat ng leeway sa relasyon,” chika ng senador.

Naniniwala rin si Tito Sen sa kasabihang, “Happy wife is a happy life.”

“I try my best to make her happy. Inaalagaan niya ako but ang buhay ko ay umiikot sa kanya. Kung ano ang ikasasaya niya ay ikasasaya ko rin. She’s my everything. Sa 69 taon ko, kasama ko siya sa 49 taon doon. She’s my life,” saad nito.

Maliban sa pagmamahal at debosyon sa isa’t isa, nakatulong din daw ng malaki sa kanilang relasyon ang pagkakaroon ng matatag na Catholic faith.

Ang pagkakaroon ng Christ-centered marriage ay hindi lang nagpatibay ng kanilang marriage, kundi sa pagkakaroon din ng masaya pamilya.

Ayon sa Senador, naging madali ang kanilang buhay pamilya dahil na rin sa pagmamahal at dedikasyon ni Helen as a wife and mother, “They ask me how I balance things? I don’t. I weave them together. But more than that, it’s all because of Helen. She’s the glue holding us together.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa huli, ikinumpara ni Tito Sen ang kanyang marriage sa classic dish ni Helen na Sinigang na Baka, “Kumpleto! May gulay, may sabaw at may beef. Masarap at puwede pang maanghang.

“Lahat ng ingredients para sa masarap na ulam ay nandoon na, tulad ng aming pagsasama,” pagtatapos pa ni Tito Sen.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending